Giit ng akusado, tsokolate at hindi pera ang nilunok niya |
Nanawagan si Transportation Secretary Jaime Bautista na patawan ng pinakamabigat na parusa ang isang babaeng security officer sa Ninoy Aquino International Airport na nakita sa video na nilunok ang US$300 na ninakaw niya diumano sa isang papaalis na pasaherong Intsik.
Sa isang pahayag nitong Huwebes, inutusan ni
Bautista ang isang abugado ng DOTr na
sampahan na ng kaso hindi lang ang babaeng nahulicam kundi ang ilan pang
pinaghihinalaang sangkot sa insidente.
Naganap ang insidente noong September 8 sa Terminal
1 ng NAIA habang dumadaan sa x-ray screening ang papaalis na pasaherong si Mr
Cai.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Makikita sa CCTV na kinuha ng security officer ang bag ng pasaherong Intsik habang dumadaan ito sa x-ray scanner, tapos ay may isinuksok sa kanyang baywang bago tumalikod.
Pagkatapos na makita ni Mr Cai na bukas ang kanyang pitaka at nawawala ang kanyang pera ay nagreklamo ito.
Pindutin para sa detalye |
Dito na nakita na inumpisahang nilunok ng security officer ang pera, habang agad naman siyang binigyan ng tubig ng screener na nakaupo sa may x-ray machine.
Nilapitan din siya ng kanyang supervisor na parang sumesenyas na lunukin niyang lahat ang ebidensya.PINDUTIN PARA SA DETALYE
Pare-parehong sinuspindi ang security officer, screener
at ang superbisor at pinigilang makapasok sa airport habang iniimbestigahan ang
kaso.
Pero ayon sa paunang report ng mga imbestigador, pinipilit
daw ng security officer na tsokolate ang nakita sa video na pilit niyang
sinasaksak sa kanyang bibig at hindi ang nawawalang pera.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Samantala, tumangging magreklamo nang pormal si Mr
Cai kaya nahihirapan ang mga awtoridad na sampahan ng kasong kriminal ang mga
sangkot, lalo na ang security officer. Pero sigurado daw silang sasampahan ito ng
administrative case.
Dagdag pa ng pinuno ng Office of Transportation
Security (OTS) sisiguraduhin niyang matatanggal sa trabaho ang security
officer.
Base sa paunang imbestigasyon ng OTS ay totoong
lahat ang kumalat na balita tungkol sa paglunok ng nakaw na pera ng security
officer.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sabi pa sa report ng OTS ay walang duda na balak talagang
magnakaw ang security officer, at katuwang niya sa ginawa ang screener at
kanilang supervisor.
Nakikipagtulungan daw ngayon ang OTS sa mga pulis
para tulungan ang pasaherong nanakawan, sakaling gusto nitong sampahan ng
kasong kriminal ang security officer.
Ito ang pangatlong kaso ng pagnanakaw sa airport ngayong
2023 na umani ng maraming pagbatikos sa publiko.
Sa unang bahagi ng taon ay limang tauhan ng security
ang nahuling nagnakaw ng pera sa isang turistang galing ng Thailand. Makalipas
lang ang limang araw ay isa na namang security officer ang nahuli na nagnakaw
ng relo ng isang pasaherong Intsik.
Pindutin dito para sa iba pang mga detalye! |
PADALA NA! |
CALL US! |