Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Multang $1.5k dahil sa ninakaw na $198 na hikaw

06 September 2023

Bumalik pa muli ang akusado sa mall na ito pagkatapos niyang magnakaw kaya siya nahuli

Isang Pilipina na tatlong dekada nang nagtatrabaho bilang domestic helper sa Hong Kong ang pinagmulta kanina sa Eastern Court ng $1,500 matapos umamin na nagnakaw ng isang pares ng hikaw  na nagkakahalaga lang ng $198 noong Disyembre ng nakaraang taon.

Bakas ang kasiyahan sa mukha ni F.V. Pascua, 61 taong gulang, nang marinig ang hatol sa kanya ni Principal Magistrate Ivy Chui, na hindi na pinakinggan ang iba pang sasabihin sana ng kanyang abugado para mapababa ang sentensya, at sinabing papagbayarin na lang siya bilang parusa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Dahil nakapiyansa sa halagang $500 ay pinadagdagan na lang ng $1,000 ang halagang pinabayad sa Pilipina bago ang 4pm na pagsasara ng kahera ng korte.

Sabi ng mahistrado, nagdesisyon siyang pagmultahin na lang si Pascua dahil malinis ang record nito sa Hong Kong, at agad na umamin sa kasalanan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Batay sa sinang-ayunan niyang salaysay nangyari ang nakawan noong December 3 sa shop ng Wheres Design sa ground floor ng Provident Square sa North Point. 

Napansin daw agad ng tindera na may nawalang isang pares ng hikaw na naka display matapos tumingin doon si Pascua at isang kasamahan. Nang tingnan ng tindera sa CCTV ay nakita si Pascua na dinampot iyon bago lumabas ng shop. Hindi nagreklamo ang tindera nang araw na iyon.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Dahil marahil naisip na nakalusot siya sa kanyang ginawa ay bumalik si Pascua sa tindahan noong January 18, bandang 12:40pm, kasama ang kaibigan. Agad siyang namukhaan ng tindera kaya ito tumawag ng pulis.

Matapos siyang arestuhin ay sinamahan si Pascua ng mga pulis sa bahay ng kanyang amo sa at nakita sa kanyang kuwarto ang lalagyan ng hikaw, na nagkataong suot din niya. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Noong una ay itinanggi ni Pascua ang paratang na ninakaw niya ang hikaw, at sinabing binili niya ito sa bangketa mula sa isang babaeng hindi niya kilala, pero umamin din bandang huli.

Batay sa pahayag ng kanyang abugado, si Pascua ay walang asawa at walang ibang kamag-anak, at tanging ang nanay niya na nasa Pilipinas ang sinusuportahan. Sumasahod siya ng minimum at halos 30 taon na siyang nagtatrabaho sa Hong Kong.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss