Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Magbabalik ang National Day fireworks sa Oct. 1

09 September 2023

 


Isang malaking fireworks display ang magpapaningning sa Victoria Harbor, ang dagat a naghihiwalay sa Hong Kong at Kowloon, sa pagdiriwang ng National Day sa Oct. 1.

Magbabalik ang fireworks display, na magsisimula sa 9pm, pagkatapos na matigil sa nagdaang limang taon dahil sa kaguluhan na likha ng mga protesta sa kalsada, at pagkalat ng Covid-19 sa sumunod na tatlong taon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ito ay isa lang sa mga magaganap na aktibidad sa pagdiriwang ng pagkakatatag ng China bilang isang bansa, noong Oct. 1, 1949.

Para maayos na mapanood ang mga paputok, maagang pumusisyon sa mga lugar sa magkabilang pangpang ng Victoria Harbor upang maiwasan ang gitgitan. Magdala na rin ng baon upang hindi gutumin.

CONTACT US!

Sa pagpili ng pusisyon, alalahanin din na libo-libong tao ang manonood kaya bubuhos sila sa mga sakayan pagkatapos: mas mahaba ang lalakarin upang makakuha ng sakay pauwi. Tingnan din kung may toilet na malapit para makasiguro.

Ilan sa mga lugar na magandang panooran ng fireworks display ang sumusunod:

Pindutin para sa detalye

Sa Hong Kong side:

  • Sa Central Waterfront Promenade, mula Star Ferry Pier hanggang Tamar Park.
  • Sa paligid ng Hong Kong Convention Centre at Bauhinia Square.
  • Sa Level 4 ng IFC Mall, may Roof Top Garden na napaliligiran ng mga bar at restaurant.
  • Mga lookout point sa Midlevels at Victoria Peak.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa Kowloon side:

  • Sa  Tsim Sha Tsui promenade at Avenue of the Stars, mula sa Star Ferry pier hanggang sa New World Centre.
  • Sa Hung Hom Promenade.
  • Sa West Kowloon Waterfront Promenade na malapit sa MTR Kowloon Station.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

May iba pang pagtatanghal na kasama sa programa ng National Day celebration, pero karamihan sa mga ito ay mas nakatuon sa lokal na manonood.

Isang halimbawa ay ang Chinese Opera Festival (COF) 2023 na gagawin sa Sept. 23 hanggang Oct. 8 sa Bamboo Theater na itinayo sa Victoria Park ng Leisure and Cultural Services Department (LCSD).

PINDUTIN PARA SA

Apat na lokal na Cantonese opera troupe amg magtatanghal ng mga dula na may mga kilalang artista.

Ipagdiriwang ng COF hindi lang ang National Day kundi ang Mid -Autumn Festival.

Abangan ang iba pang detalye tungkol sa kaganapan sa pagdiriwang na ito sa mga darating na araw.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss