Pangalan ng mga tunay na tauhan ng Immigration ang binibigay ngayon ng mga scammer |
Nagbabala ang Immigration Department laban sa mga manloloko na tumatawag sa telepono sa mga tao at nagpapakilalang tauhan nila para makuha ang kanilang mga personal na detalye katulad ng tunay na pangalan, edad at tirahan.
Para mapaniwala ang kausap ay nagbibigay daw ang mga
scammer ng mga tunay na pangalan ng mga tauhan sa Immigration, titulo sa departamento,
telepono sa opisina.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Tinatawagan nila ang isang target gamit ang isang
pre-recorded message at tatanungin kung may inaplayang serbisyo sa Immigration,
katulad ng pagkuha ng HKID card o visa, at tapos ay ililipat sa ibang
departamento kunyari para kunin ang kanilang mga personal na impormasyon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Paalala ng Immigration, personal nilang tinatawagan
ang mga aplikante kung kinakailangan. Hindi din maaring basta na lang pumunta
sa kanilang opisina ang sinuman para humiling ng serbisyo.
Dapat na maging mapanuri at maingat ang lahat kapag
may tinanggap silang kahina hinalang tawag, at iwasan ang pagbibigay agad ng
personal na impormasyon nang hindi muna sinisiguro kung sino talaga ang kausap
nila sa telepono.
Kung may duda sa tawag ng isang nagpakilalang taga
Immigration ay maaring tumawag sa kanilang hotline, 2824 6111 o magtanong sa
pamamagitan ng email, enquiry@immd.gov.hk.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Maaari ding makipag-ugnayan sa mga tauhan ng Anti-Deception
Coordination Centre sa pamamagitan ng pagtawag sa 24-hour police enquiry
hotline, "Anti-Scam Helpline 18222".
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang sinumang may kutob na binibiktima sila ng mga
scammer ay dapat magsumbong agad sa pulis.
Pindutin dito para sa iba pang mga detalye! |
PADALA NA! |
CALL US! |