|
May hiwalay na pagbabakuna sa mga OFW simula sa Oct 1 |
Muling inilunsad kahapon ng Centre for Health
Protection ang taunang pagbabakuna ng libre sa lahat ng mga residente ng Hong
Kong na edad 50 taong gulang pataas.
Kasabay nito ang muling pagbibigay ng bakuna sa mga
overseas Filipino workers simula ngayong Linggo, Oct. 1, sa training room ng Migrant
Workers Office (dating Philippine Overseas Labor Office) sa 29th
floor ng United Cenre Building sa Admiralty.
Sa bawat araw ng Linggo ng Oktubre at Nobyembre ay
isasagawa ang libreng turukan sa MWO, at pati na rin sa mga susunod na araw ng
Martes: Oct. 10 at 24, at Nov. 14 at 28.
Basta magdaraos ka ng iyong ika-50 taong kaarawan sa
taong ito ay kasali ka na.
Ang mga hindi pa abot sa edad na ito pero gustong magpabakuna
ay kailangan lang magbayad ng $200 sa Shoebill Health Care para mabigyan ng
hiwalay na appointment. Tawagan lang sila nang diretso sa 5688 3408 para
magparehistro at makakuha ng iba pang detalye.