Alam mo ba ang iyong karapatan? |
Magsasagawa ang Department of Labour ng isang briefing para ituro sa mga foreign domestic helper ang kanilang karapatan bilang manggagawa at residente ng Hong Kong.
Ang pagtuturo, na gagawin sa Sept. 24 (Linggo), ay libre at bukas
sa lahat.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Para sa mga Pilipino, ang briefing ay gagawin sa wikang Tagalog sa Lecture
Room 1 ng Tuen Mun Town Hall, sa Sept. 24, 2:30-4:30 pm. May hiwalay na sesyon sa salitang
Bahasa-Indonesia at English sa araw ding ito.
Hinihiling ng Labour na sumali ang mga lider ng organisasyon
at kanilang mga opisyal, upang mas mabilis mapalaganap ang kaalaman sa kanilang
mga kasapi.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang briefing ay hinati sa dalawang bahagi:
Part I: Karapatan ng mga FDH sa ilalim ng batas at ng employment
contract, na ipaliliwanang ng kinatawan ng Labour.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Part II: Mga karapatan sa ilalim ng mga anti-discrimination
ordinance, na ipaliliwanag ng kinatawan ng Equal Opportunities Commission.
Ang enrollment form ay mabubuksan dito: https://www.fdh.labour.gov.hk/res/pdf/Enrolment_Form.pdf
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ang huling araw para sa pagsumite ng form sa pamamagitan ng fax (3101
0604) o email (fdh-enquiry@labour.gov.hk) ay Sept. 20 (Miyerkules).
Maaring magpasa ng form ang isang indibiduwal, o lider ng bawat grupo.
Para sa mga organisasyon, ang kailangan lamang ay listahan
ng pangalan at phone number ng kasaping sasali, at pangalan ng grupo. Ipadala ito
sa email (fdh-enquiry@labour.gov.hk) bago mag-Sept. 20 (Miyerkules).
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kung may tanong, pwedeng tawagan di Andrew Wong ng Labour
Department sa 3582 8993.
Pindutin dito para sa iba pang mga detalye! |
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |