Ang panawagan para sa mga Pilipino na gustong magbigay ng dugo sa HK Red Cross |
Nanawagan ang Konsulado sa lahat ng mga Pilipino sa Hong Kong na sumali sa isang malawakang kampanya ng Hong Kong Red Cross para mangalap ng dugo.
Ang Blood Donation Drive na Pilipino ang mga particular
na target ay idaraos sa ika-8 ng Oktubre, 10am hanggang 5pm, sa Hong Kong Red
Cross Central District Donor Centre na nasa 1/F ng Tung Ming Building, 40-42
Des Voeux Road Central (Exit C ng Central MTR station, malapit sa World-Wide
House).
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Maaring magbigay ng dugo ang mga edad 16 hanggang 65 taong gulang, may bigat na 41 kilos o 90 lbs pataas, at nasa mabuting kalusugan.
Ang mga gustong magbigay ng dugo sa araw na ito ay
inaanyayahang magrehistro dito: https://bit.ly/PCGBloodDrive
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Para sa mga may tanong, maaring tumawag sa Cultural Section ng Konsulado sa numero 2823-8535 o mag-email sa cultural.pcg@gmail.com.
Kamakailan ay nanawagan ang mismong Hong Kong Red
Cross ng donasyon ng dugo mula sa publiko dahil bumagsak daw ang kanilang
supply dahil sa dalawang magkasunod na sakuna, ang pagbaha sa maraming lugar sa
siyudad, at ang pagtaas ng T10 signal dahil sa pagdaan ng isang super typhoon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa panawagan na inilathala ng gobyerno noong ika-9
ng Setyembre, sinabi ng Red Cross Blood Transfusion Service (BTS) na kailangang
kailangan nila ng gamot, lalo na ng type O, para dahil kailangan masalinan agad
ang mga pasyente sa ospital.
Umabot sa may 140 katao ang itinakbo sa ospital
dahil sa mga sugat na natamo sanhi ng malawakang pagbaha sanhi ng pinakamalakas
na pag-ulan sa buong kasaysayan ng Hong Kong.
Pindutin dito para sa iba pang mga detalye! |
PADALA NA! |
CALL US! |