Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Ingat sa pagpasyal ng aso

06 September 2023

 

Dinala sa ospital ang helper na mukhang Pilipina dahil nasugatan ang kamay (TheStandard)


UPDATED)

Isang aso ang namatay matapos maipit ang kanyang tali sa pintuan ng isang elevator sa Kennedy Town kahapon ng umaga.

Ayon sa mga pulis, nangyari ang insidente bandang 9:47 ng Martes matapos ipasyal ng isang 46 taong gulang na foreign domestic helper ang tatlong aso sa labas ng kanilang tirahan sa Kam Ho Court sa Belcher’s Street.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pagbalik nila sa gusali ay pumasok ang helper sa elevator kasama ang mga aso, ngunit biglang tumakbo palabas ang isa bago nagsara ang pintuan nito. Naipit ang tali nito sa pintuan, dahilan para masakal ito nang mag-umpisa nang umakyat ang elevator.

Agad namang tumawag ng pulis ang bantay sa gusali na nabigong buksan ang pintuan ng elevator pagkatapos makita sa CCTV ang nangyayari sa aso. Tumigil sa pag-akyat ang elevator pero hindi nagbukas ang mga pintuan.

Pagdating ng mga bumbero ay nakitang patay na ang aso kaya tinakpan na lang nila ng kumot.

Patay na ang aso nang balikan ng helper sa lobby ng gusali

Agad namang tumakbo pababa sa lobby ang helper pero patay na ang aso nang makita niya. Dinala siya sa Queen Mary Hospital na may sugat sa kamay dahil pinilit nitong hilahin pabalik sa lift ang aso bago nagsara ang pintuan. 

Ang 24 taong gulang na may-ari ng aso na agad ding tinawag pauwi ay naiyak nang makita ang alagang patay na. 

Agad na nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko na bantayang maigi ang mga alagang aso tuwing pumapasok o lumalabas sa elevator.

Ito ang pangalawang beses na nangyari ang ganitong insidente. Noong June 26 ay naipit din ang tali ng isang aso sa Sham Shui Po nang di mapansin ng may-ari na hindi ito sumabay sa kanya pagpasok sa elevator. 

Mabuti na lang at naagapan ng security guard na patigilin ang elevator kaya nakakawala ang aso sa tali bago tumakbo. Ang may-ari ang nakulong sa elevator ng mga 20 minuto bago napakawalan ng mga bumbero.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Iniimbestigahan pa rin ng mga pulis ang pangyayari.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss