Ang Eastern District Police Station sa North Point ang nag-iimbestiga ng kaso |
Sa gitna ng patuloy na debate tungkol sa kumalat na video ng isang yaya na binitbit ang alagang bata sa leeg habang patawid ng kalsada sa Tin Hau ay sinabi ng pulis sa The SUN na inaresto nila ang tagapag-alaga noong Miyerkules, Sept. 13, sa North Point.
Kinumpirma din nila na ang inaresto ay isang Pilipinang domestic helper na 37 taong gulang. Pinayagan nila itong magpiyansa pero inutusang bumalik sa Eastern District Police Station sa kalagitnaan ng Oktubre para sa patuloy na pag-iimbestiga ng kaso.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Inaresto ang Pilipina dahil sa suspetsa na inabuso o sinaktan niya ang alagang batang lalaki na apat na taong gulang.
Pero ayon sa pulis, walang nakitang anumang sugat o pasa sa bata at nananatili itong alerto kaya bahala na daw ang mga magulang ng bata na patingnan ito sa doktor.
CONTACT US! |
Ang pag-aresto sa Pilipina ay isinagawa sa kabila ng pagkalat ng balita na mismong ang ina nito ang nagsabi na walang ginawang masama ang tagapag-alaga na tinawag pa nito na “little sister.” Nataranta lang daw ito at baka mahuli sa eskwela ang bata.
May ilan ding Pilipina na nakiusap na tigilan na ang pagpapakalat ng video dahil nagdudulot na daw ito ng kaba at tensyon sa tagapag-alaga na binatikos ng marami.
Kita sa video na binitbit sa leeg ang bata ng yayang Pilipina |
Kabilang sa mga nagalit sa lumitaw na video na inabot ng 14 segundo ay ilang mga expatriate na ina, na nagkaisa sa pagsasabi sa isang Facebook page na isang pang-aabuso ang ginawa ng Pilipina sa bata. Kahit pa daw nag-aalburuto ito ay hindi dapat ito binitbit sa leeg ng tagapag-alaga dahil siguradong nasaktan ito.
Karamihan ng mga sumagot naman para kontrahin ang ganitong pananaw ay mga Pilipina din, na sinabi na kung ang mismong ang ina ng bata ay hindi sinampahan ng reklamo ang yaya, bakit sila pa na hindi naman alam ang buong pangyayari ay pinipilit na may ginawang pang-aabuso ito?
|
May ilan ding nagsabi na hindi nakita sa video ang buong pangyayari kaya mali na husgahan agad ang Pilipina.
Sa video ay maririnig na sinisita ang tagapag-alaga ng isang local na babae at sinasabing mag-ingat sa paghawak sa bata dahil ito ay nasasaktan. Binalaan din niya ito na kinukunan siya ng video.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
“Be careful, you’re hurting her (sic). I’m recording you. You’re being rude to this kid. What happened to you?”, sabi ng nag video.
Sinagot lang ito ng Pilipina na ayaw daw kasing pumasok sa eskwela ng bata bago umalis papalayo kasama ang alaga. Dito na natapos ang video.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Habang kinukuhanan sila ng video sa tawiran ay makikita na naiiyak ang bata na base sa kanyang uniporme ay estudyante ng Victoria Kindergarten sa di kalayuan. Sinubukan nitong tanggalin ang kamay ng tagapag-alaga sa kanyang leeg at nang lumapit ang nag video ay tumingin dito ang bata na parang nagmamakaawa.
Sa kabila nito, maraming Pilipina ang nagsabi na marami kasing bata sa Hong Kong na pasaway, lalo na kung kinakampihan ng mga magulang lagi. Mayroon ding nagsabi na mismong ang magulang daw ng kanilang mga alaga ang nagsabi na gawin nila ang nararapat kapag tumatawid silang magkasabay para masiguro ang kanilang kaligtasan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero
sabi naman ng iba, kahit gaano kalikot o hirap kontrolin ang isang bata ay
dapat pa ring maging pasensyoso at maingat ang mga tagapag-alaga sa
pagdisiplina sa kanila. Bukod sa mas makakatulong ito para mapalapit sa kanila
ang alaga, maiiwasan pa nila ang katulad ng nangyari sa Pilipina sa video na
inaresto na ay inulan pa ng batikos sa social media.
Pindutin dito para sa iba pang mga detalye! |
PADALA NA! |
CALL US! |