Karamihan sa mga sinasabig ninakaw ay mga damit |
Malalaman na ng isang Pilipinang domestic helper kung aayon ang korte sa pagtanggi niya sa paratang ng kanyang amo noong Pebrero na ninakaw niya ang mga personal na gamit nito.
Natapos kanina sa Eastern Court ang paglilitis ng kaso ni
Sarah, 35 taong gulang, at itinakda ni Magistrate Lau Suk-han sa Nov.
17 ang paghahatol kung siya ay nagkasala o hindi.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Samantala, itinuloy ni Magistrate
Lau ang kanyang piyansang $500 upang siya ay makalaya hanggang sa susunod
na pagdinig.
Inakusahan si Sarah ng kanyang
among si Nicole Chan Cheuk-in ng pagnanakaw ng anim na kasuotang pantaas, dalawang
pantalon, isang sumbrero, isang pares ng sunglasses, isang bra at tatlong
bestida.
Walang sinabing halaga ng mga ninakaw diumanong mga gamit.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Naganap umano ang pagnanakaw sa
tinitirhan ng mag-amo sa Lohas Park sa Tseung Kwan-O mula December 2022
hanggang Feb 22 ngayong taon, nang ireklamo ng amo si Sarah sa Tseung Kwan-O
Police, na nag-imbestiga sa kanya.
Ang asuntong isinampa laban sa
kanya ay paglabag sa Section 9 ng Theft Ordinance.
Pindutin dito para sa iba pang mga detalye! |
PADALA NA! |
CALL US! |