Bukas ang Konsulado ng Oct 1 pero sarado kinabukasan, Oct 2 |
Magbubukas ang Konsulado sa Linggo, October 1, na dapat ay statutory holiday dahil ito ay National Day ng China.
Ito ay
ayon sa isa nilang kawani, bilang paliwanag sa ipinalabas nilang pahayag na
nagsasabi na magsasara sila kinabukasan, October 2, Lunes. Idineklara itong
public holiday ng gobyerno ng Hong Kong dahil tumapat sa Linggo ang October 1.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Katulad
ng nakagawian, sarado ang Konsulado sa Biyernes, Sept. 29, araw ng Mid-Autumn
Festival at Sabado, Sept. 30, na isa ding statutory holiday dahil ito ang
"Day After Mid-Autumn Festival."
Nangangahulugan
na ang karamihan ng mga foreign domestic worker na Linggo ang regular na
day-off ay magkakaroon ng tatlong sunod-sunod na araw ng pahinga – Sabado,
Linggo at Lunes (Sept 29, Oct.1 at 2).
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon
kasi sa patakaran ng Hong Kong Labour Department, kapag ang statutory holiday
ay tumapat sa araw ng pahinga ng isang manggagawa ay dapat din siyang palabasin
kinabukasan.
Muling
magbubukas ang Konsulado sa Martes, October 3.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Narito
ang mga natitira pang statutory holiday sa huling bahagi ng 2023:
Sept 30: Day following the Chinese Mid-Autumn
Festival
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Oct 1: National Day
Oct 23: Chung Yeung Festival
Dec 22: Chinese Winter Solstice OR
Dec 25: Christmas Day, at the option of the employer
Pindutin dito para sa iba pang mga detalye! |
PADALA NA! |
CALL US! |