Si Mercy sa rally: 'Nagmakaawa ako noon pero pinahiya ninyo ako' |
“Lumuhod ako noon sa inyo at nagmakaawa, pero di ninyo ako pinagbigyan.”
Ito ang lahad ng
isa sa mga biktima diumano ng kumpanyang Opportunities Abroad na idineklara kamakailan ng
Department of Migrant Workers na sangkot sa illegal recruitment, sa isang kilos-protesta sa
labas ng Konsulado nitong Linggo na itinatag ng United Filipinos
(Unifil-Migrante) Hong Kong.
Ayon kay Mercy, nakiusap
siya noong April 2 sa pinuno ng PCVC-Opportunities Abroad na si Nina Mabatid at
partner niyang si Russ Mark Gamallo na ibalik ang ibinayad niyang $18,731
(P131,000) sa kanila dahil kailangan ng mga anak niya, pero hindi siya
pinagbigyan at ininsulto pa.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Isa si Mercy sa
14 na overseas Filipino workers sa Hong Kong na nagreklamo sa DMW para papanagutin ang grupo ni Mabatid at ibalik ang halos P2 milyon na kinuha sa kanila noong Pebrero, kapalit ng pekeng pangako na tutulungan silang
makakuha ng student visa sa Canada.
Bumalik sina
Mabatid at Gamallo noong April 2 para sa pagpapalabas ng pelikulang “Martyr or
Murderer” na itinatag ng isang grupong sumusuporta sa administrasyon, pero hindi
nakisalamuha sa mga aplikante.
CONTACT US! |
Sa kanilang
muling pagbabalik noong June 18 para sa isa na namang recruitment seminar ay
pinapulis na sila ng mga aplikante para maibalik ang kanilang pera dahil
hindi naman daw sila natulungan na makamit ang student visa sa loob ng
ipinangako nilang tatlong buwan.
Hamon ni Che, harapin sila ng OFW blogger na si Calagui na sangkot din daw sa 'scam' |
“Isa kang
sinungaling,” sabi ni Che kay Mabatid.
Nanawagan siya
sa Konsulado, lalo na kay Consul Paul Saret na humarap sa kanila para sa
itinakdang solian sana ng kanilang pera, na gumawa ng agarang aksyon para
mapanagot ang grupo ni Mabatid sa kanilang ginawang panloloko sa kanila, na
mismong ang Konsulado ay naging saksi.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa gitna ng
masigabong palakpakan ay hinamon din ni Che na harapin sila ng personal ng kapwa
OFW at blogger na si Bryan Calagui at tigilan ang paninira sa kanila sampu ng
kanilang mga taga suporta sa kanyang blog, lalo na ngayong mismong ang DMW at
POEA na ang nagsabing ilegal ang ginawang recruitment ng grupong ito.
Si Calagui ang
tinuturo ng 14 na biktima na nagkumbinsi sa kanila sa pamamagitan ng kanyang
blog na dumalo sa isinagawang recruitment ni Mabatid sa Hong Kong noong February 19 at June 18.
Personal din daw niyang siniguro sa ilan sa kanila na legal ang inaalok na student
visa ng grupo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ilang beses na
kasing naimbita si Calagui sa mga online interview para harapin silang mga biktima
pero hindi siya nagpapaunlak, at ang idinadahilan ay iyon daw kasi ang payo sa
kanya ng “solicitor general.”
Umaksyon ang gobyerno at ipakulong ang mga maysala, sabi naman ni Balladares |
Sinusugan din ni Dolores Balladares, chairperson ng Unifil-Migrante, ang panawagan na kumilos na ang gobyerno para mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng illegal recruitment at human trafficking sa Hong Kong.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Sa kaso ng mga
nagreklamo laban kay Mabatid at sa Opportunities Abroad, sinabi niya na Pebrero
pa nangyari ang panloloko, Hunyo nang pormal nilang ihain ang kanilang reklamo
sa Konsulado, at kalagitnaan naman ng Agosto nang pumunta ang dalawang opisyal
ng DMW dito para mangalap ng ebidensya, pero hanggang ngayon ay wala pa ring “ni
ha ni ho” mula sa gobyerno.
Hindi lang daw
pagsosoli ng pera ng mga biktima ang kailangang iutos ng pamahalaan sa kasong
ito,kundi ang pagpaparusa ng kulong sa mga taong nanloko sa kanila.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Huwag din daw
sisihin ang mga biktima dahil katulad ng maraming OFW ay naghangad lang sila ng
mas magandang kinabukasan para sa kanilang mga pamilya dahil sa kahirapan at kakulangan
ng trabaho sa Pilipinas.
|