Ang Pacific View sa Stanley, kung saan naganap diumano ang nakawan (23Hse photo) |
Muling humarap sa
Eastern Court nitong Lunes, Sept 4 ang isang Pilipina na inakusahan ng
pagnanakaw ng sari-saring alahas ng amo na nagkakahalaga ng $81,300.
Sa hiling ng
tagausig na magkaroon pa ng dagdag na panahon para pag-aralan ang kaso laban
kay Malta May D. Siguenza ay pinagpaliban muli ni Mahistrado Tsang Chiung-yu
ang pagdinig sa October 10.
Ibinalik si
Siguenza, 43 taong gulang, sa kulungan hanggang sa susunod niyang pagharap sa
korte.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Si Siguenza ay
inakusahan ng pagnanakaw ng tatlong gintong singsing, isang silver na singsing
at isang gintong kuwintas na pag mamay-ari ng kanyang amo na si Julien Paul Lepine.
Nangyari ang
diumanong pagnanakaw sa mga hindi matukoy na petsa sa pagitan ng Pebrero at Abril ng kasalukuyang taon sa isang flat sa Block 4, Pacific View, Tai Tam
Road, Stanley.
Wala nang iba pang
impormasyon ang binanggit sa pagdinig.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa sakdal,
labag ang krimen sa section 9 ng Theft Ordinance ng Hong Kong. Ang pinakamabigat ng
parusa sa pagnanakaw ay 10 taon sa kulungan.
Pindutin dito para sa iba pang mga detalye! |
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |