Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Away ng mag-live-in, nauwi sa aregluhan

06 September 2023

 

Humantong sa korte ang away ng magka live-in.

Nahantong sa areglo ang pag-aaway ng magka-live-in na Pilipina at Pakistani, na parehong asylum seeker at may dalawang anak, matapos silang humarap sa West Kowloon Court kanina.

Sumang-ayon sa Bind Over sina G. Tabaranza, 32 taong gulang, at ang Pakistani na si H. Norani kung saan nangako silang hindi lalabag sa batas sa loob ng dalawang taon. Pagbabayarin sila ng $1,000 kapag lumabag sila sa pangako.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Pinayuhan sila ni Acting Principal Magistrate Veronica Heung na huwag nang gumamit ng dahas o pagbantaan ang isa't isa upang hindi sila ulit magkaproblema sa batas.

Si Tabaranza ay kinasuhan ng pananakit kay Norani noong June 14 sa kanilang flat sa Ki Lung St., Mongkok, Kowloon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ganoon din ang reklamong isinampa ni Tabaranza kay Norani.

Ang kasong isinampa laban sa kanila ay paglabag sa Common Law, at sa Offences against the Person Ordinance.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Matapos silang tawagin sa pagdinig, tumayo ang taga-usig upang sabihing bukas siya sa isang bind over order para sa dalawa. Ibig sabihin, walang record na maitatala sa kanila kung susundin nila ang utos ng korte na hindi na muling lalabag sa batas sa loob ng itinakdang panahon.

Sumang-ayon ang dalawa sa kasunduan, na kapalit ng pag-urong ng parehong kaso laban sa kanila, na kung natuloy ay may parusa na aabot sa tatlong taon na pagkakakulong.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nakita silang magkasabay na lumabas ng korte, kasama ang kani-kanilang interpreter, at sumakay ng lift papunta sa opisina sa 3rd floor, kung saan nila pinamirmahan ang kasunduan.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss