Anim na buwang kulong ang ipinataw sa isang Pilipina, na nauna nang naibalitang nawawala, matapos siyang umaming nagnakaw sa kanyang amo ng cash at mga alahas na may kabuuang halagang $59,900.
Tinanggap ni Cely Espero, 55 taong gulang at domestic
helper, ang sentensiya nang humarap siya kay Acting Principal Magistrate Cheng
Lim-chi sa Fan Ling Court nitong Lunes (Sept. 18). Agad din siyang ibinaik sa kulungan
para tapusin ang kanyang sentensiya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Kinasuhan si Espero ng paglabag ng Theft Ordinance, na
nagtatakda ng parusang aabot sa 10 taong pagkabilanggo. Pero pinili ni
Magistrate Cheng na simulan sa siyam na buwan ang parusa ni Espero, at dahil sa
kanyang pag-amin ay nabawasan pa ito ng 1/3, kaya anim na buwan ang natira.
Ayon sa kasong isinampa ng Tai Po Police, nangyari ang
pagnanakaw mula July 2022 hanggang July 22, 2023 nang arestuhin siya sa bahay
ng amo niya sa Forest Hill, Tai Po.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Inamin ni Espero ang pagkuha ng cash na $2,300, kasama ang
dalawang singsing, tatlong gintong pulseras at isang gintong pendant na
nagkakahalaga ng kabuuang $57,600.
Si Espero, na taga La Union, ay ini-report sa The SUN ng kanyang pamangkin na si Mayet na nawawala simula pa nang huli silang mag-usap noong July 22, dahil hindi niya sinasagot ang kanyang telepono.
Hindi rin sumasagot
sa tawag ang kanyang amo na siyam na taon niyang pinagsilbihan.
Yun pala ay pinaaresto siya ng amo noong araw ding iyon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Inilapit ni Marites Nuval, lider ng mga grupo ng mga taga La
Union sa Hong Kong, kay Welfare Attache Dina Daquigan ang tungkol sa balitang
pagkawala ni Cely.
Sinabi raw ni Daquigan na kahit sila sa Overseas Workers
Welfare Administration ay hindi makontak ang employer ng OFW.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Si Mayet, na siyang nanghingi ng tulong noong July 28, ay
kumontak ulit makalipas ang ilang araw. “Walang nangyari po, nasira po ang
cellphone ng anti (auntie) ko po," ika niya.
Ayon pa kay Mayet, wala naman silang alam na problema ni
Cely dahil maayos ang kalagayan nito sa trabaho, at katunayan ay kakapirma lang
niya ng bagong kontrata sa amo, at may planong umuwi para magbakasyon ngayong
Disyembre.
Si Espero ay may asawa at tatlong anak.
Pindutin dito para sa iba pang mga detalye! |
PADALA NA! |
CALL US! |