Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipinong akusado sa pananakit, nakatakdang sentensyahan

28 September 2023

 

Ang kaguluhan ay nangyari sa tabi ng parkeng ito sa Wanchai

Natapos kanina ang paglilitis ng isang Pilipinong akusado ng pagsugat ng isang kapwa Pilipino, at itinakda sa Oct.3 ang paghatol kung siya ay nagkasala o hindi.

Itinuloy ang piyansang $1,000 ni Delfin Villaremo, 55 taong gulang at isang driver, upang makalaya hanggang sa susunod na pagdinig sa sala ni Magistrate Tsang Chung-yiu sa Eastern Court.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Si Villaremo ay kapwa akusado ng isa pang Pilipino na si Romeo Miranda, 45 at isang construction worker, na kinasuhan naman ng pagsugat sa mukha ng isa pang kapwa Pilipino,  gamit ang kutsilyo.

Naganap ang insidente noong Oct. 9, 2022, sa Tai Wo Playground sa Wanchai, nang sugurin ni Villaremo ang isang grupo ng Pilipino at mga Intsik na umanoy’s pinagtutulungang bugbugin si Miranda.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Noong Feb. 2 ay nagpahiwatig si Villaremo na gusto na nyang umamin sa krimen, pero hindi ito pinansin ni Magistrate Jason Wan nang malamang wala itong abugado.

Nang tanungin siya kung bakit wala siyang abugado, sinabi niya na wala syang perang pambayad.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pinayuhan siyang magpunta sa opisina ng Duty Lawyer Service na nagbibigay ng libreng abugado sa mga akusado sa krimen na walang kakayahang magbayad. 

Ang payo ng abugadong nakuha niya ay itanggi ang akusasyon, na nagresulta sa paglilitis na natapos kanina.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Samantala, hindi nabanggit ang kinalabasan ng kaso laban kay Miranda, 45, isang construction worker, na naka-piyansa sa halagang $5,000.

Pero iniulat na sa korte noon na nakauwi na sa Pilipinas ang sinasabing biktima niya na si Benson Jy Mateo.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Don't Miss