Tatlo sa akusado ang ginamit ang HSBC bank account para lipatan ng pera galing sa krimen |
Apat na Pilipinang domestic helper ang humarap sa Eastern Court kaninang umaga para basahan ng sakdal ng pagpapadaloy sa kani-kanilang bank account ng pera na alam nila ay galing sa krimen, o money laundering sa English.
Kasama
nilang kinasuhan sa harap ni Principal Magistrate Ivy Chui ang isang local na
residente na nagtatrabaho bilang waitress na si Wong Siu Kuen, 53 taong gulang.
Si Wong ay nakitaan ng $776,460 sa kanyang Hang Seng bank account na ayon sa
sakdal ay alam niyang galing sa masamang gawain.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Kasalukuyang
nakapiyansa si Wong sa halagang $2,000 samantalang tig-$1,000 naman ang apat na
Pilipinang nasasakdal.
Kabilang
sa kanila si Marife A. Dionson, 43 taong gulang at taga North Point, ay
nakitaan ng kabuuang halaga na $358,300 sa
kanyang account sa HSBC sa loob lang ng isang araw, mula July 8 hanggang
July 9 noong 2020. Alam daw niya na ang perang pumasok sa kanyang account ay
mula sa krimen.
Pindutin para sa detalye |
Ang
pangalawa sa listahan ay si Geraldine G. Tolentino, 38 taong gulang at taga
Shatin. Dumaan naman sa kanyang HSBC bank account sa pagitan ng July 15 at July
20 ang kabuuang halaga na $566,438. Alam daw niya at ng isang taong kilala lang
sa pangalang “Wai” ang perang ito ay galing sa masamang gawain.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang
pangatlong kinasuhan ay si Ires S. Caliwanagan, 40 taong gulang at taga Sai
Kung, na nakitaan naman ng pinakamalaking halaga sa kanyang HSBC bank account
sa pagitan ng July 10 at July 23, 2020. Ang kabuuang halaga na $714,406 ay mula
din daw sa krimen, at alam ito ni Caliwanagan.
Ang
pinakahuling kinasuhan ay si Maila U. Samson, na sa pagitan ng July 15 at
August 7 noong 2020 ay nakitaan ng HK$571,850 at US$4,501.61 sa kanyang Hang
Seng bank account. Alam din daw niya na galing sa masama ang perang ito.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Pagkatapos
basahan ng sakdal ang lima ay hiniling ng tagausig na itakda, batay na rin sa
kanilang kasunduan, ang pagtatanong sa bawat isa kung aaminin o itatatwa nila
ang sakdal sa kanila sa October 20, at pumayag naman si Magistrate Chui.
Pinayuhan
ng mahistrado ang lahat na kumunsulta muli sa itinalagang abugado para sa
kanila para malaman kung ano ang maaring mangyari sa susunod na pagdinig. Sakaling
may magdesisyon sa kanila na umamin sa sakdal ay ililipat ang kaso sa isa pang
mahistrado na nauna nang nagpataw ng sentensya sa iba pang kasamahan nila na
nauna nang humarap sa korte.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Muling
pinayagan na magpiyansa ang 5 hanggang sa susunod na pagdinig ng kanilang kaso.
Pindutin dito para sa iba pang mga detalye! |
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |