Dito nahuli ang Pilipina |
Hindi pinayagang makapag-piyansa ang isang Pilipinang nahuli nitong buwang kasalukuyan matapos mag-overstay noon pang September 1996 -- o 27 taon na.
Dahil dito, ibinalik sa kulungan si Josephine Rescate, 61
taong gulang, sa utos ni Principal Magistrate Ivy Chui.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Pero itinakda ni Magistrate Chui ang bail review sa Sept. 27
sa hiling ng abogado ni Rescate, upang mabigyan siya ng isa pang pagkakataong makalaya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa pagdinig nitong Martes, binasa kay Rescate ang kaso,
na nagsasaad na nasita siya ng pulis at hinanapan ng HKID habang nasa footbridge
sa tabi ng Exit A ng Central Station ng MTR noong Sept. 7.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nang itawag ng pulis sa headquarters nila ang mga detalye ni
Rescate, nalaman nito na overstaying na siya noon pang Sept. 29, 1966.
Isa sa kondisyon ng kanyang paglagi sa Hong Kong nang bigyan
siya ng visa bilang domestic helper ay ang umuwi siya sa Pilipinas sa loob ng 14 na araw matapos
siyang materminate.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dahil naterminate siya noong Sept. 15, 1996, dapat ay
nakaalis na siya noon pang Sept. 29, 1996.
Sinampahan siya ng kasong breach of condition of stay, na paglabag
sa Section 41 ng Immigration Ordinance at may parusang multa na hanggang $50,000
at pagkakakulong ng hanggang dalawang taon.
Pindutin dito para sa iba pang mga detalye! |
PADALA NA! |
CALL US! |