Nangyari ang krimen habang naka-piyansa ang Pinoy dahil sa naunang kaso |
Ikinulong nitong Miyerkules ng 20 buwan ang isang Pilipinong nahuling nagbenta ng nakaw na singsing habang naka-piyansa pa sa pulisya dahil sa isang naunang kaso.
Tahimik
na tinanggap ni Elvin Zuniga, 59 taong gulang at dating manager ng restaurant
at bar, ang parusang binasa ni Deputy District Judge Edward Wong sa District
Court.
Inaasahan na kulong ang parusa dahil sa naunang pagdinig noong Aug. 31 ay umamin si Zuniga sa akusasyong ibinenta niya
ang isang brilyanteng singsing na nakuha niya sa babaeng Intsik na kapwa niya akusado.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Pero hiningi ng kanyang abogado na huwag nang dagdagan ang kanyang sentensya dahil ang piyansa ay para daw sa kasong iniimbestigahan pa ng pulisya at hindi pa nakararating sa korte.
Isinantabi ni Judge Wong ang hiling ng abogado ni Zuniga. Ika niya, dahil ang parusang iminungkahi ng taga-usig ay dalawang taong pagkakulong, at dahil naka piyansa pa ang akusado sa isang naunang kaso ay dinagdagan niya ang parusa ng anim na buwan kaya naging 30 buwan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ipinaliwanag
niya na ang desisyong ito ay base sa tatlong kaparehas na kasong nadesisyunan
na, kung saan ang naging tanong ay kung gaano ang dapat madagdag na parusa, at hindi
kung dapat bang dagdagan ang bigat ng sumunod na krimen.
Dahil sa
pag-amin ni Zuniga, binawasan ni Wong ng 1/3 ang sentensiya kaya 20 buwan ang
natira. Ito lang ang nakita niyang dahilan upang bawasan ang sentensiya, ika niya.
Nagsimula
ang kaso ni Zuniga nong March 21 nang ibenta niya sa isang tindahan ang nakaw
na singsing. Kumita siya rito ng $1,000 bilang komisyon mula sa kasama niya sa
kaso na si Cheung wai-yee.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Si Cheung
naman ay nahaharap sa apat pang kaso.
Inakusahan siyang nagpanggap na buyer ng singsing sa isang online na merkado, at nagbayad ng tseke sa may-ari sa halagang $37,500.
Ang singsing ang tinukoy na ibinenta
ni Zuniga. Nalaman ng may-ari na naloko siya nang abisuhan siya ng kanyang
bangko kinabukasan na tumalbog ang tseke ni Cheung.
Ganito rin ang modus ni Cheung sa panloloko sa tatlo pang tao upang makuha ang isang handbag, isang relo na nagkakahalaga ng $118,000, at tatlong mobile phone na ang kabuuang halaga ay $29,500.
Naningil pa siya sa ikatlong biktima ng dagdag na $9,500
dahil sumobra daw ng ganitong halaga ang kanyang naibayad.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Matapos basahin
ni Wong ang parusa at lumabas ng korte, pinaligiran si Zuniga ng kanyang mga abogado
upang ipaliwanang na dahil mahigit isang taon na siyang nakapiit at ibabawas
pa ang mga piyesta opisyal, kaunti na lang ang kanyang pagsisilbihang sentensya.
Pindutin dito para sa iba pang mga detalye! |
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |