Dinidinig ang kaso sa Eastern Court |
Dalawa na namang Pilipinang domestic helper ang humarap sa Eastern Court nitong Huwebes matapos silang kasuhan ng money laundering dahil nagamit ang kanilang ATM (automatic teller machine) card sa pag-deposito at pag-withdraw ng malalaking halaga na galing sa krimen, na tinaguriang money laundering.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Hindi agad hiningi ang panig nina
Leonida Manlunas, 40 taong gulang, at Nora Reymundo, 47 taong gulang, sa akusasyong
hinawakan nila ang perang galing sa krimen, na paglabag sa Organized and
Serious Crimes Ordinance.
Pindutin para sa detalye |
Sa halip ay hiningi ng taga-usig ang
pagpapaliban ng pagdinig.
Itinakda ni Principal Magistrate
Ivy Chui ang kanilang pagbabalik sa korte sa Nov. 1.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa asunto, idineposito at
ini-withdraw ng mga hindi kilalang tao ang kabuuang $387,600 sa ATM account ni
Manlunas sa Hongkong and Shanghai Banking Corporation Ltd. mula Dec. 18, 2020
hanggang Jan. 8, 2021.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Mas malaking halaga naman ang idinaan
ng mga hindi nakilalang tao sa bank account ni Reymundo.
Ayon sa asunto, may nag-deposito at
nag-withdraw ng kabuuang $903,600 sa kanyang HSBC account mula Feb. 10 hanggang
March 4, 2021.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dahil ang mga ATM account ay nasa
pangalan nila, itinuturing na hinawakan nila mismo ang nasabing salapi na alam
nila ay galing sa krimen, ayon sa asunto.
Pindutin dito para sa iba pang mga detalye! |
PADALA NA! |
CALL US! |