Ang dalawang akusado ay magkahiwalay na humarap kanina sa iisang korte. |
Isang Pilipinang pumirma sa kontrata ng isang Indonesian bilang domestic helper kahit hindi ito nagtrabaho sa kanya ang humarap sa Shatin Court ngayon sa paratang na pakikipagsabwatan sa panloloko sa direktor ng Immigration.
Pinayagan ni Acting Principal Magistrate Cheang Kei-hong na
magpiyansa si Juliet Santos, 60 taong gulang, upang makalaya hanggang sa
susunod na pagdinig sa Sept. 25.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Pero ang pekeng DH niya na si Ana Miratul Faidah, 30 taong
gulang, ay umamin sa naunang pagdinig kanina sa harap din ni Magistrate Cheang na
pumirma nga siya ng pekeng kontrata nila ni Santos, at nahatulang nagkasala.
Pindutin para sa detalye |
Itinakda ni Cheang ang pagbasa ng kanyang sentensiya sa Sept. 11.
Si Santos at Faidah ay parehong kinasuhan ng paglabag sa
Common Law, na sa ilalim ng Section 159( C ) ng Crimes Ordinance ay may
parusang hanggang 14 na taong pagkabilanggo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa dokumentong mula sa korte, nakipagsabwatan si
Santos, Faidah at isang nakilala lang na Jo Ann Estrada upang lokohin ang
Immigration sa pamamagitan ng pagpasok ng pekeng kontrata ng DH na tumagal mula
May 2022 hanggang March 19 ngayong taon.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ang kontrata sa pagitan nina Santos at Faidah ang naging dahilan
kung bakit pinayagan si Faidah na maglagi sa Hong Kong kahit hindi dapat.
Ito rin ang kasong inamin ni Faidah.
BASAHIN ANG DETALYE |
Maliban dito, sinampahan din si Faidah ng dagdag na kasong
pagsisinungaling nang sabihin niya sa isang Immigration officer pagdating niya
sa Hong Kong noong March 9 na magtatrabaho siya kay Santos.
Pero kanina, inurong ito ng taga-usig matapos umamin si
Faidah sa unang kaso.
PADALA NA! |