Muling humarap sa korte nitong Biyernes ang isang
Pilipina na inakusahan ng hindi bababa sa limang kapwa domestic worker dahil
diumano sa pag-aalok ng pekeng trabaho sa kani-kanilang asawa o kamag-anak.
Humiling ng karagdagang panahon para pag-aralan ang
kaso ng tagausig kaya muling pinagpaliban ni Acting Principal Magistrate Cheng
Lim-chi ang kaso sa Sept. 22.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ibinalik sa kulungan si Jenalie Anilao, 40, hanggang
sa susunod na pagdinig.
Ayon sa sakdal, siningil ni Anilao ng $28,500 ang
kasamahan sa dating boarding house sa Tai Kwun Long, Tai Po na si Eddielyn
Bilog kapalit ng alok na trabaho para sa asawa nito.
Hinulug-hulugan ni Bilog ang kabayaran mula Aug. 15,
2022 hanggang Feb. 20 ngayong kasalukuyang taon, pero nang maibigay na ang
buong halaga ay hindi na nagpakita si Anilao.
|
Nagreklamo sa pulis si Bilog, at naaresto si Anilao
noong Marso.
Kinasuhan si Anilao ng “obtaining property by
deception” o ang panloloko upang makuha ang ari-arian ng iba, na paglabag sa sec. 17(1) ng Theft Ordinance. Ang pinakamabigat na parusa sa krimen ay pagkakulong
nang hanggang 10 taon.
Pindutin para sa detalye |
Pagkatapos lumabas ang balita tungkol sa pagsasampa
ng kaso laban kay Anilao ay ilang Pilipino ang
nagbunyi dahil kasama din daw sila sa mga inalok nito ng pekeng trabaho
at kinuhanan ng malaking halaga.
Ayon kay Janelyn, umabot sa Php440,000 ang nakuha ni
Anilao sa mga kaanak niya, kapalit ng pangakong bibigyan sila ng mga trabaho
bilang domestic helper, gardener at maintenance cleaners, na pawang mga lalaki
ang kailangan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kasamahan daw nila ito sa boarding house dati kaya
sila nagtiwala. Ayon sa kuwento ng akusado, ang isang kaibigan niya na may
asawang Briton ang mag-aayos ng kanilang mga papeles.
Ayon kay Janelyn, lima silang nagbayad kay Anilao,
na ang ipinangakong trabaho ay ang paglilinis at tagapaandar ng yate. Ang
ibinayad daw niya kay Anilao ay $17,000, samantalang ang mister at bayaw niya
ay $28,000 at ang ate nya at pamangkin ay P125,000 naman.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Pagkatapos makuha ang kanilang pera ay lagi daw
nagdadahilan si Anilao na delayed ang training at flight ng kanilang mga
aplikante. Bandang huli ay tumakas ito sa kanilang boarding house.
Nagpadala si Janelyn ng litrato nilang limang mga
biktima diumano nang magpunta sila sa Taipo police station noong Feb. 26 para
ireklamo si Anilao.
BASAHIN ANG DETALYE |
Pero si Bilog lang daw ang tinawag ng mga
imbestigador kinalaunan para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon laban kay Anilao.
Sabi pa ni Janelyn, hindi lang $28,000 ang nakuha ni
Anilao mula kay Bilog dahil marami itong mga kaanak na nagbayad din. Sa tantiya
ni Janelyn, aabot ng P700,000 o mahigit pa ang naibayad ng grupo ni Bilog sa
akusado.
Ang isa pang nagreklamo sa The SUN ay si Maryden, na
nakuhanan din daw ni Anilao ng $15,000 kapalit ng pangako na bibigyan siya ng
trabaho na mas malaki ang sahod.
Nag-terminate ng kontrata si Maryden at umuwi dahil
sa pangako ni Anilao na ipa process ang kanyang kontrata habang nasa Pilipinas
siya. Hanggang ngayon ay nandoon pa si Maryden, at naghihintay ng hustisya.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |