Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipina, kulong ng 25 taon dahil nahulihan ng 3.5 kilong droga

18 August 2023

Ang mga drugs sa pakete na ipinadala kay Montano (larawan ng Customs)

Isang Pilipina ang ipinakulong ng 25 taon sa salang drug trafficking matapos magamit ang kanyang pangalan at tirahan sa Sham Shui Po, Kowloon, bilang bagsakan ng padalang mula sa China na may lamang 2.97 kilo ng shabu o methamphetamine hydrochloride at 418 gramo ng ketamine.

Si Alma Montano, 38 taong gulang, may asawa at isang domestic helper, ay nahatulang nagkasala ng 12 hurado sa High Court matapos ang paglilitis noong June 7-30. Pinatawan siya ng parusa ni Deputy High Court Judge Douglas Yau noong July 12.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Kasama niyang nahatulan ang Nigerian na si Ifeanyi Nwokeji, 50 taong gulang na asylum seeker, na nasentensiyahan naman ng 26 taong pagkakulong.

Ayon kay Judge Yau, pinarusahan silang dalawa bilang courier, o tagadala, dahil maliban sa alam nilang may lamang droga ang padala, hindi sila naisangkot sa pag-angkat at planong pagbebenta ng droga sakaling lumusot ito sa mga awtoridad.

Pindutin para sa detalye

Nagsimula ang kaso nang mapansin ng mga Customs officer sa Lok Ma Chau border crossing ang isang kahina-hinalang parcel na dala ng isang truck ng UPS na papasok ng Hong Kong. Ang padala ay nakapangalan at naka-address kay Montano.

Nalaman nila pagkatapos na ang kahon ay naglalaman ng halos tatlong kilo ng shabu, at kalahating kilo ng metamphetamine.

Ilang Customs officers ang nagpanggap na taga-deliver ng UPS at dinala ang parcel kay Montano sa address na nakalagay sa pakete, na Flat A, 2/F, Yan Yip Building, Sham Shui Po.

Pindutin para sa detalye

Matapos niyang ilagay ang parcel sa dalang "red-white-blue bag" (tawag ng mga Nigerian sa bag na ito) at pirmahan ang resibong nagsasabi na natanggap niya ito, inaresto si Montano at dinala sa loob ng gusali.

Nang tanungin kung ano ang laman ng padala, sumagot siya na hindi niya alam. Nang tanungin kung sino ang may-ari nito, sinabi niyang taga-tanggap lang siya nito para sa isang kaibigan. Nang tanungin kung sino ito, sinabi niya na kilala niya lang ito bilang “Baby Loves” at hindi niya alam ang tunay nitong pangalan.

Pagkatapos ng 10 minuto, pumayag si Montano na makipagtulungan sa mga Customs officer na mahuli si Baby Loves.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nakipag-text si Montano dito upang maipasa ang parcel sa kanya. Nagkasundo silang magkita sa kasunod na kanto.

Nang dumating si Nwokeji at makuha ang parcel na nakapaloob sa red-white-blue bag, siya naman ang hinuli ng mga ahente ng Customs. Nagtangka pa siyang lumaban, pero kumalma nang malamang inaaresto siya ng mga taga-Customs.

Sa dami ng drogang sangkot sa kaso, ayon kay Judge Yau, ang angkop na parusa ay nagsisimula sa 25 taon.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Nadagdagan ng anim na buwan ang parusa sa dalawa dahil dalawang klase ng droga ang nakita sa kanila.

Pero dahil tumulong si Montano sa paghuli kay Nwokeji, binawasan ang kanyang parusa ng anim na buwan kaya balik sa 25 taon ang sentensiya niya.

BASAHIN ANG DETALYE

Ang Nigerian naman ay nabawasan ng tatlong buwan dahil sa kooperasyon niya sa mga humuli sa kanya.

Pero dahil may siyam na buwang idinagdag din sa kanya dahil siya ay nagtataglay ng Recognizance Form 8 bilang asylum seeker, naging 26 taon ang suma ng kanyang sentensiya. 

Hindi na dinagdagan pa ng hukom ang sentensya kahit may dati na itong record dahil sa pag-overstay at pananakit, dahil wala naman daw koneksyon ang mga ito sa droga.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS
Don't Miss