Ayon sa sakdal ay 2 beses na sinaktan ng Pilipina ang 2 taon na alaga |
Isang Pilipina ang humarap sa korte sa Fanling kanina para harapin ang dalawang kaso ng pananakit sa kanyang alagang lalaki na dalawang taong gulang pa lamang.
Hiniling ng tagausig sa mahistrado na ipagpaliban
ang pagdinig sa kaso sa September 25 para sa pagbibigay ng pahayag ni E. G. Tiongson, 43 taong gulang, kung inaamin niya o itinatanggi ang paratang.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pinayagan ng mahistrado na ituloy ang piyansa ni
Tiongson na $400 hanggang sa susunod na pagdinig ng kaso.
Si Tiongson ay sinampahan ng dalawang kaso ng "ill treatment or neglect by those in charge of a child or young person" (pagmamalupit o pagpapabaya sa isang bata na nasa kanyang pangangalaga).
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
BASAHIN ANG DETALYE |
Nangyari ang diumano’s dalawang beses niyang
pananakit sa alaga sa loob ng isang flat sa Sze Tau Lung Tsuen sa Sha Tau Kok
Road, Fanling, noong August 3.
Ayon sa magkahiwalay na sakdal na binasa kay
Tiongson, sinaktan niya ang alaga na nasa kanyang pangangalinga, dahilan para magsanhi ito ng hindi makatarungang paghihirap o panganib sa kalusugan ng bata.
Pagkatapos maaresto ay kinunan ng pahayag si Tiongson sa istasyon ng pulisya sa Sheung Shui bago siya kinasuhan.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |