Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipina, absuwelto matapos iurong ang kasong pananakit sa alaga

04 August 2023

 


Isang Pilipina ang malayang umalis sa Eastern Courts kanina matapos iurong ng taga-usig ang paratang na sinaktan niya ang kanyang alagang lalaki na limang taong gulang.

Nakahinga nang maluwag si A. Lucas, 44 na taong gulang, nang basahin ni Principal Magistrate Ivy Chui ang kanyang hatol matapos sabihin ng taga-usig na hindi na nila uusigin ang Pilipina.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Pindutin para sa detalye

Si Lucas, isang domestic helper, ay inakusahang nanakit ng kanyang alaga noong Nov. 8, 2023 sa bahay ng kanyang amo sa Stanley.

Ang kasong isinampa sa kanya ay “willful assault by those in charge of a child” na isinampa ng West District Police.

Ito ay paglabag ng Section 27 (1) ng Offenses Against the Person Ordinance.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dahil sa kanyang pagka-absuwelto, nakaiwas si Lucas sa parusang itinakda ng batas na ito sa ganitong mga kaso, na pagkakulong nang hanggang tatlong taon.

Samantala, isang Pilipina, si Janice Sahagun, ang ibinalik sa kulungan matapos muling dinggin ang kaso nito na money laundering.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS
BASAHIN ANG DETALYE

Pero nagtakda ng muling pagdinig si Magistrate Chui sa Aug. 11 upang pag-usapan ulit kung dapat bang payagan nang magpiyansa ang nasasakdal.

Si Sahagun ay kinasuhan sa ilalim ng Organized and Serious Crimes Ordinance dahil umano sa pagdaan sa kanyang account sa Welab Bank ng $170,000 na nanggaling sa krimen.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss