Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Payo ng Customs sa mga FDH, mag-ingat sa pag remit ng pera

10 August 2023

 

Magpadala ng pera sa mga kilalang ahensya, o usisain kung may kaukulan silang lisensya (File)

Hinuli ng Hong Kong Customs ang dalawang babaeng may-ari ng isang grocery store sa Tai Po, matapos nilang mabasa ang isang post sa social media tungkol sa reklamo ng isang foreign domestic helper na hindi nakarating ang perang ipinadala niya sa kanyang pamilya gamit ang remittance service ng tindahan.

Agad na nag-imbestiga ang Customs at nalaman nilang walang lisensiya ang tindahan para tumanggap ng pera para sa remittance. Dahil dito ay inaresto nila ang babaeng edad 44 taong gulang na may-ari ng tindahan noong July 21. Kanina ay inaresto din ang 19 taong gulang na kapwa niya may-ari sa tindahan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ang isinagawang pag-aresto ay alinsunod sa Anti-Money Laundering and Counter-Terrorist Financing Ordinance (AMLO), kung saan kasamang pinagbabawal ang pagpatakbo ng “money service” ng walang kaukulang lisensiya.

Pinayagang magpiyansa ang dalawa habang patuloy na iniimbestiga ang kanilang kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALY

Sa ilalim ng AMLO, ang sino mang mapatunayan na tumanggap ng remittance ng walang lisensiya ay maaring pagmultahin ng hanggang $1 million at makulong ng hanggang dalawang taon.

Dahil sa nangyari ay nakipag-ugnayan ang Customs sa mga Konsulado at mga organisasyon na tumutulong magpalawak ng kaalaman ng mga FDH na magsagawa ng mga pagsasanay at pagtuturo para sa pagpili sa mga kumpanyang gagamitin nila sa pagpapadala ng pera sa kanilang pamilya, at para din mas maintindihan nila kung ano ang AMLO.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Maari ding bisitahin ng mga FDH ang website ng Custons: eservices.customs.gov.hk/MSOS/index?request_locale=enpara masiguro nila na lisensiyado ang kumpanya o grupo na pagpapadalhan nila ng pera.

Pinapayuhan din sila na huwag papatol sa alok na “Bayad Muna Bago Remit,” at sa halip ay agad repasuhin ang kanilang resibo bago lisanin ang tindahan para masiguro na ipinadala na agad ang kanilang pera ayon sa kanilang utos.

BASAHIN ANG DETALYE

Nakikiusap din ang Customs sa mga employer at agency na iparating ang mensaheng ito sa mga bagong dating na FDH para maiwasan nila ang magantso. Mas maigi ay tulungan silang pumili ng pagpapadalhan nila ng pera para siguradong makarating ito sa kanilang pamilya sa Pilipinas.

Ang sino mang nagdududa na ang isang remittance company ay pinapatakbo ng walang lisensiya ay inaanyayahang iparating ito sa Customs sa pamamagitan ng kanilang 24-hour hotline: 2545 6182 o sa isang email account na sadyang itinatag para sa mga ganitong kaso: crimereport@customs.gov.hk o sa pamamagitan ng online form: eform.cefs.gov.hk/form/ced002/).

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss