Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Parcel scam na Pinay ang target, binabalik na naman

12 August 2023

 

Ang pekeng airbill na pinadala sa Pinay na target

Muli na namang nata target ang mga Pilipina sa tinatawag na “parcel scam,” kung saan sinasabihan sila na may pinadala sa  kanilang kargamento mula sa ibang bansa na naglalaman ng mamahaling gamit, pero kailangan nilang magbayad para maihatid ito sa kanilang bahay.

Sa isang post sa Facebook page na DWC Help and Learning Group, tinanong ni Rhea (di tunay na pangalan) kung ano ang dapat gawin ng taong pinadalhan diumano ng ganitong pakete.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Pindutin para sa detalye

“Hello po, baka may naka experience  na po nito na may nagpadala ng package .. baka kasi scam. Pero nasa tracking (bill) naman po yung name nung mag re receive.  (Pero) magbayad muna ng 700hkd bago makuha yung package. Salamat po,” sabi ni Rhea sa post niya.

Kasama sa post ang sinasabing airway bill, kung saan nakalagay na galing diumano  ang pakete na 8.6 kilos ang bigat, mula sa isang “David James” na nasa Istanbul, Turkey.

Ayon pa dito, ang laman ng pakete ay “laptop, mobile devices, golden jewelries, watches, perfumes, wears (sic), flowers, cosmetics, grocery and brown envelope, etc.” Pinapahiwatig dito na yung sobre ay naglalaman ng pera.

Pindutin para sa detalye
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang airway bill ay may reference number, bar code, at ang pangalan at logo ng Airmax courier company.

Sa parte ng “comment,” nakalagay na dapat magbayad ng HKD700 sa lugar na pagdadalhan bilang “clearance fee.” Dapat daw itong ipadala sa pamamagitan ng “bank transfer”, imbes sa kumpanya o tao na magdadala nito sa nakapangalan na tatanggap.

Litrato ng nagpakilalang si 'David James' na malamang na ninakaw lang sa internet

Ayon kay Rhea na nakausap ng The SUN online, nakilala niya si David James sa instagram chat. Hindi naman daw siya talagang naniwala sa lahat ng mga sinasabi nito. Katunayan nang sabihan niya ito na scammer ay agad syang blinock nito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Mga limang araw pa lang daw silang nag cha chat ni James ay agad daw siyang sinabihan na may ipapadala itong mga regalo, at pinadala ang airway bill.

Marami sa mga nakakita ng kanyang post ang agad na nagsabi na scam ang pinangakong regalo kay  Rhea. Sabi pa ng ilan, dapat ay kumpleto na ang bayad ng courier, at ang nagpadala ang dapat sumagot nito.

May nagsabi din na malamang kapag nagbayad  siya ay ang susunod namang sasabihin ay kulang pa iyon dahil na hold sa customs ang pakete, at kailangan siyang magbayad nang mas malaking halaga.

BASAHIN ANG DETALYE

Ganitong ganito rin kasi ang nangyari sa ilang mga biktima ilang taon na ang nakakaraan, na umabot ng ilang libo na ang naipadadala bago nalamang hindi totoo ang ipinangakong regalo, at lalong hindi totoo ang saloobin ng nanuyo at nagpa-ibig sa kanila.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss