Mag-ingat sa pagtawid dahil baka pagmultahin ka ng $2,000 |
Inumpisahan ng mga pulis ang paghihigpit sa mga tumatawid sa kalsada simula ngayong araw ng Lunes dahil sa biglang pagtaas ng bilang ng mga naaksidente sa daan sa mga nagdaang buwan.
Ayon sa naunang balita, may 53 aksidente na naitala
ngayong unang anim na buwan ng taon lang, na nag resulta sa kamatayan ng 38
katao. Ito ang pinakamataas na bilang sa nagdaang tatlong taon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Pindutin para sa detalye |
Sabi ng mga pulis, ang karaniwang sanhi ng mga
aksidente ay ang hindi pagsunod ng mga tumatawid sa traffic lights, paggamit ng
cellphone habang tumatawid, o paglalakad sa mga daan na para sa mga sasakyan
lang.
Umapela ang pulis sa publiko na sumunod sa mga batas
trapiko, at nagpaalala din na ang multa sa mga mahuhuli ay multang aabot sa
$2,000, at maari din silang makasuhan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Samantala may 10 katao ang naibalitang nahuli dahil
sa jaywalking, o ang pagtawid sa daan habang pula pa ang ilaw, sa may palengke
lang ng Tai Po Hui.
Kaagad silang binigyan ng tiket para sa multang tig
$2,000 dahil sa jaywalking o hindi pagsunod sa batas-trapiko.
BASAHIN ANG DETALYE |
May ilang mga pulis din sa daan na nagbabala sa mga tao na huwag nang tumawid kapag nag-umpisa nang kumisap-kisap ang ilaw na na dilaw. Sa ilalim ng batas-trapiko, maari nang kasuhan ng jaywalking ang mga taong tumuloy sa pagtawid kapag ganito na ang ilaw.
PADALA NA! |