Kinasuhan ang Pilipino sa Eastern Court |
Kahapon lang nangyari ang pananakit ng isang Pilipino sa babaeng kasamahan niya sa bahay, pero iniharap siya kanina sa Eastern Court upang sagutin ang kasong common assault.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Pindutin para sa detalye |
Kaya humingi siya ng dagdag na panahon para sa imbestigasyon
at pagpapaliban sa kasong paglabag sa Offenses Against the Person Ordinance laban
kay Alejano.
Hindi rin siya tumutol nang hingin ng abogado ni Alejano na
payagan siyang magpiyansa.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Itinakda ni Principal Magistrate Ivy Chui ang susunod na pagdinig
sa Oct. 10.
Pumayag rin siya na pakawalang pansamantala si Alejano sa piyansang
$2,000, sa kondisyon na may bago na siyang address bago mag-tanghali bukas,
dahil bawal na siyang bumalik sa flat kung saan nangyari ang pananakit.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ipinagbawal din ni Magistrate Chui na makipag-usap ito sa biktima,
na pangunahing testigo laban sa kanya.
“Kapag nilabag mo ito, kakanselahin ko ang iyong piyansa at
ibabalik ka sa kulungan,” babala niya.
BASAHIN ANG DETALYE |
Nagtakda rin iya ng iba pang mga kondisyon sa piyansa, gaya
ng:
- Manatili sa Hong Kong habang dinidinig ang kaso.
- Mag-report sa Happy Valley police station.
- Mag-report sa police 24 oras bago lumipat ng tirahan.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |