Magkatuwang ng inilunsad ng pulis at gobyerno ang kampanya laban sa panggagantso |
Halos umabot sa 60% ang itinaas ng bilang ng mga kaso ng fraud o panloloko na naitala sa unang limang buwan ng kasalukuyang taon, kumpara sa parehong panahon noong 2022.
Ayon sa pahayag ng pulis
ngayong hapon, umabot sa 15,792 na kaso ng panloloko ang naiparating sa kanila
mula lang nitong Enero hanggang Mayo, na lampas ng 58% sa kabuuang bilang noong mga kaparehong buwan ng 2022.
Mahigit 3 sa bawat 4 na kaso,
o 74.6% (11,700 na kaso) ay may kinalaman sa online fraud, o panloloko gamit
ang internet. Ang halagang nakuha sa mga biktima ay umabot sa $1.58 billion.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ang 15% ay phishing scams, o
yung panloloko sa pamamagitan ng pagbibigay ng link sa pekeng websites. Ang
halaga ng nawala dahil sa ganitong panloloko ay $50 million.
Sabi ng pulis, marami sa mga
biktima ay hindi sinasadyang ibinigay ang mga detalye ng kanilang credit cards
sa mga scammer na nagpanggap na taga bangko, kumpanya ng telepono o kawani ng
pamahalaan.
Ang kadalasang dahilan na ginagamit
na mga manloloko ay mage-expire na daw ang mga points nila sa kanilang credit
card, o iba pang benepisyo na dapat nilang matanggap.
PINDUTIN PARA SA DETALY |
Dahil sa patuloy na pagdami
ng mga nabibiktima ng mga scammer ay naglunsad ang Police
Anti-Deception Coordination Centre (ADCC) at ang Office of the Communications
Authority (OFCA) ng malawakang kampanay laban sa phishing.
Sa isang panayam, sinabi ng isang
opisyal ng OFCA na kasalukuyan silang nakikipagtulungan sa mga pulis at
kumpanya ng telepono para magkaroon ng talaan ng lahat ng mga nagpapadala ng
SMS bago matapos ang taon.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Dagdag nito, kumplikado ang
isasagawang sistema, at kakailanganin ng tulong ng mga bangko at industriya ng komunikasyon.
Ayon naman sa isang opisyal ng pulis, hindi lang iisa ang solusyon sa problema ng panggagantso.
Ang dapat daw unang gawin ng
bawat isa ay maging alerto at tapat, at huwag basta papaniwalaan ang mga
mensaheng natatanggap, lalo na sa text at sa email.
BASAHIN ANG DETALYE |
Iwasan din ang pagkagat sa
mga alok na investment o trabaho, lalo na kung masyadong malaki ang
pinapangakong balik sa pera, o suweldo.
Sa unang limang buwan ng
taon, nakatanggap ng 1,243 na reklamo ang pulis na may kinalaman sa investment
scam, at ang halaga na natangay ng mga manloloko ay umabot sa $620 million.
Sa kaparehong panahon, ang
perang nawala sa mga biktima ng mga inalok ng pekeng trabaho ay umabot naman sa
$370 million.
PADALA NA! |