Jellie Marquez |
Naengganyo siya sa kuwento nito at nang magtungo siya sa Worldwide house ay bumili nito mula sa Victory Supermarket sa halagang HK$88 lamang. Pagkaalis sa tindahan ay binuksan ang pabango at nagwisik nito ng mga 6 na sprays dahil naibigayan niya ang halimuyak nito. Pagkasakay ng mini bus patungong trabaho napuna niyang panay ang singhap ng katabi na Briton at tila hindi ito mapakali sa kinauupuan. Kalaunan ay nagpakilala ito bilang Eric, sinambit nito na kaakit-akit ang gamit niyang perfume kaya nagpasalamat siya at hiningi nito ang kaniyang whattsapp number. Nagkuwentuhan sila at damang-dama niya ang pagkiskis ng hita nito sa kaniyang hita na tila may nais itong ipahiwatig na masidhing damdamin, naisip niyang epektibo ang pabango.
Bago ito bumaba ng bus ay hinawakan nito ang kaniyang kamay saka dinampian ng halik at sinabing tatawagan siya. Napangiti siya lalo sa ginawa nito at umasang tatawag ito. Bumaba na din siya sa sumunod na kanto habang nakangiti at naiisip ang nangyari. Kinagabihan bago matapos ang kaniyang shift ay nakatanggap siya ng messages nito sa whattsapp, sinabing magdinner sila. Umoo siya at ang mga sumunod na pangyayari ay ikinakilig niya.