Patuloy pa ring inaayos ang DMW app at OFW Pass, ayon sa DMW |
Ilang pahayag ang ipinalabas ng Department of Migrant Workers ngayong araw, at inilathala sa Facebook page ng Migrant Workers Office sa Hong Kong.
Ang unang pahayag ay libre na ang overseas
employment certificate o OEC, at ito ay nagsimula noong pang Sabado, July 29,
bagamat walang paalala ang inilabas tungkol dito sa araw na ito mismo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ang OEC na may bias ng hanggang 90 araw ay dating binabayaran
ng HK$20 o Php100 kung kukunin sa Pilipinas.
Pangalawa, bagamat maida-download na ang mobile
application ng DMW ay hindi pa rin ito magagamit para makuha ang OFW Pass na siyang
ipinangakong kapalit ng OEC.
Pindutin para sa detalye |
Para sa mga pauwi na at kailangang kumuha ng OEC,
maari silang pumunta sa webpage na ito: onlineservices.dmw.gov.ph. Muli, libre
na ang pagkuha nito, at hindi na kailangan ng resibo bilang patunay sa pagkuha
ng OEC.
Para sa agarang tulong sa pagkuha nito, maaari ding
makipapag-ugnayan sa OFW Pass Contact Center sa email na ito: ofwpass@dmw.gov.ph o kaya ay tumawag sa
mga sumusunod na numero: +63 908 326 9344 , +63 927 147 8186 o +63 920 517 1059
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Mahigpit na pinaalala ng DMW sa mga OFW na iwasan
ang magpatulong sa mga “fixer” o yung mga nag-aalok ng tulong para magamit ang
mobile app at mairehistro ang kanilang OFW Pass.
“Bawal po Ito,” ayon sa DMW.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Malalaman daw ng sistema kung may pekeng dokumento
na isinumite at kung may fixer na umayos ng account ng isang OFW.
“Maaring makansela ang inyong pagrehistro at baka
ma-block ang inyong account” kapag nangyari ito, dagdag-babala ng DMW.
BASAHIN ANG DETALYE |
Muling ipinaalala ng DMW na ang kanilang mobile app
at OFW Pass ay sumasailalim pa rin sa “pilot test run.” Ang ibig sabihin,
patuloy pa rin itong binabago alinsunod sa pinaka angkop na teknolohiya para
mas mapabilis at maisaayos ang paggamit ng mga OFW sa app.
Ang pilot test run na ito ay kasalukuyang
isinasagawa sa Pilipinas at sa 10 ibang lugar: Saudi Arabia, United Arab
Emirates, Singapore, Hong Kong, Malaysia, Qatar, Oman, Taiwan, Japan at United
Kingdom.
Ito ang mga dagdag-paalala ng DMW tungkol sa maga
gustong sumali sa test run:
1. Paki-update ang DMW Mobile App mula sa Play Store
(Google-android) o sa App Store (iOS)
2. Ang One-Time Password (OTP) authentication ay
ipadadala sa iyong registered na email address
3. Paki-check ang Spam folder at siguraduhing ang
email address na onlineservices@dmw.gov.ph ay kasama sa “Safe Sender’s List”
para matanggap mo ang iyong One-Time Password (OTP) authentication code.
4. Ang Overseas Employment Certificate (OEC) ay
valid at legal pa rin na dokumento na tinatanggap at kinikilala bilang patunay
ng iyong status bilang OFW
Patuloy na hinihiling ng DMW na magpaabot sa kanila
ng mga reaksyon at suhestiyon ang mga sumasali sa test run para mas mapabuti pa
ang DMW mobile app at OFW Pass. Maari itong
gawin sa pamamagitan ng:
e-mail: ofwpass@dmw.gov.ph
FB at Messenger: https://www.facebook.com/dmw.gov.ph
WhatsApp at Viber (call | SMS):
+63 908-326-8344
+63 927-147-8186
+63 920-517-1059
+63 908-326-8344
PADALA NA! |