Mamahaling alak ang sinabing ninakaw ng Pilipina, pero hindi napatunayan |
Umuwing malaya ang isang Pilipina kanina matapos iurong ng taga-usig ang dalawang kasong pakikisabwatan sa pagnanakaw ng Champagne at credit card.
Nabawi rin ni N. Carreon, 41 taong gulang na domestic
helper, ang $5,000 na nakalagak sa Eastern Court bilang piyansa upang makalaya
siya noong dinidinig pa ang kaso.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
PINDUTIN PARA SA DETALY |
Inutos ni Principal Magistrate Ivy Chui na tuluyan nang iurong
ang mga kaso matapos sabihin ng taga-usig na plano nilang iurong ang mga kaso
dahil lumabas sa imbestigasyon at konsultasyong legal na mahina ito
Ayon sa reklamong isinampa ng pulis sa Wanchai, nakipagsabwatan
si Carreon sa ilang taong hindi binanggit ang pangalan, upang nakawin ang isang
botelya ng Moet Champagne mula sa isang lalaking puti noong Nov. 12, 2022.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
BASAHIN ANG DETALYE |
Sa araw ding iyon, nakipagsabwatan ulit si Carreon diumano
na nakawin ang tatlo pang botelya ng Moet Champagne at isang HSBC Mastercard
credit card ng nasabing lalaki.
Kinasuhan siya sa ilalim ng Section 9 ng Theft Ordinance at
Secxtion 159A ng Crimes Ordinance.
PADALA NA! |