Hiwalay na diringgin ang dalawang kaso. |
Pinaghiwalay ang pagdinig sa kaso ng mag-amo na nagpalitan ng upuan sa kotse nang mahuli nang paglabag sa batas-trapiko sa Sai Kung noong May 17, para itago na ang Pilipino ay nagmamaneho nang walang lisensiya.
Sa pagdinig noong Biyernes (Aug. 25), pinalitan ang isang kaso
ng Pilipinong si Rejie Bancaya, 42 taong gulang, at idinagdag sa dalawang nauna nang kaso.
Pansamantala siyang pinakawalan sa bisa ng kanyang $1,500 na piyansa hanggang sa susunod na pagdinig sa Oct. 25, upang komunsulta sa
kanyang bagong abogado.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Samantala ang kanyang among si Anki Daime Yeung, 67 taong gulang, ay umamin sa tatlong kasong isinampa laban sa kanya, at nakatakda nang sentensyahan.
Itinakda ang susunod na pagdinig sa kanyang kaso sa Sept. 12, kung kailan siya babasahan ng probation order at community service order bilang parusa. May ikaaapat siyang kaso na inurong din.
Nakakalaya siya sa piyansang $10,000.
Pindutin para sa detalye |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Si Bancaya ay pinatigil ng isang pulis nang makitang lumalabag sa batas-trapiko habang nagmamaneho.
Nang makalapit ang pulis sa sasakyan ay si Yeung na ang nasa
upuan ng driver at si Bancaya ay nakaupo sa likod bilang pasahero.
Inakusahan siyang nagmamaneho nang walang lisensiya, paggamit ng sasakyan nang walang insurance, at “attempt(ing) to pervert the course of public justice” o pagtatanggkang pigilan ang makatarungang pag-aresto sa kanya dahil pinalipat niya sa upuan ng driver ang among pasahero
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
.
Sa ikatlong kaso niya ay kasama niya si Yeung, na umamin na.
Ang iniurong na mga kaso ay magkahiwalay na “attempt(ing) to pervert the course
of public justice” pero laban sa kanilang dalawa.
BASAHIN ANG DETALYE |
Umamin din si Yeung sa kasong pagpayag na imaneho ang
kanyang sasakyan ng isang taong walang lisensiya, at isang taong walang
insurance.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |