Dahil sa pagkaantala ng kanilang serbisyo kaya nagbibigay ng bawas-pasahe ang MTR |
Suwerte ang labas ng Sabado, o ang mga kailangang sumakay ng MTR sa araw na ito dahil kalahati lang ang babayaran nilang pamasahe.
Ito ay dahil itinalaga
ito ng MTR na “Thank You Day” o araw ng pasasalamat sa publiko para makabawi
ito sa ilang kapalpakan sa kanilang serbisyo noong nakaraang taon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Pindutin para sa detalye |
Ayon sa patakaran,
kapag lumampas sa $25 million ang multa sa MTR dahil sa nadiskaril nitong
serbisyo, katulad ng pagtigil ng takbo ng mga tren dahil sa sira o aksidente,
ay kailangan nilang magbigay ng benepisyo sa mga pasahero.
Ang tinawag na “half-day
fare day” ay siyang ipinalit ng MTR sa dati nitong patakaran na magbigay ng “rebate”
o pagbabalik ng 3 porsyento ng binayad ng bawat kostumer, tuwing sumasablay ang
kanyang serbisyo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Kabilang din sa
magbibigay ng kaparehong diskwento sa pamasahe ngayong Sabado ang mga MTR bus
sa bumibiyahe sa Northwest New Territories kapag Octopus ang ginamit na pambayad
ng pasahero.
Yun namang magbabyahe gamit
ang MTR heavy rail network, kasama yung papunta sa Lo Wu at Lok Ma Chau
stations ay maaring makuha ang discount sa pamamagitan ng pag scan ng QR code.
BASAHIN ANG DETALYE |
Dahil sa inaasahang pagdagsa
ng mga mananakay ay dadagdagan ng 370 ang bilang ng mga biyahe sa pitong linya
ng MTR. Pati mga sasakyan ng Light Rail na nililipatan ng mga pasahero ng MTR
ay dadagdagan din ang biyahe.
Pinahayag din ng MTR
na dadagdagan nila ang biyahe ng train sa linya ng Tseung Kwan O, Tuen Ma at
South Island tuwing Linggo at piyesta opisyal simula sa darating na Linggo, Aug.
20.
PADALA NA! |