Muntik na sanang nakaligtas sa parusa ang Pinay |
Nakahanda nang makulong si A. Rosario, 47 taong gulang, nang dumating siya sa Shatin Courts kaninang umaga para sa pagdinig ng kanyang kasong pagtatrabaho nang ilegal, dahil nahuli siya ng Immigration na naninilbihan na sa kanyang bagong amo kahit hindi pa siya nabibigyan ng visa.
Katunayan, aniya sa isang panayam,
naipa-door-to-door na niya sa Pilipinas ang karamihan ng kanyang mga gamit at
nagtira na lang ng ilang susuutin bago siya pumasok sa kulungan.
Kaya laking tuwa niya nang sabihin
sa kanya ng abogadong ibinigay nang libre ng Duty Lawyer Office ng korte, na nagkipagkasundo
ang taga-usig na tapusin na lang ang kaso sa isang bind-over, o pangako niya na
hindi na uulitin ang nagawa, at wala siyang magiging parusa kung hindi siya lalabag muli sa batas.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Pero napalitan ng kabiguan ang
kanyang galak nang iprisenta na sa korte ng taga-usig ang kasunduan, dahil
umalma si Acting Principal Magistrate Cheang Kei-hong.
“Hindi ito naarapat,”
ika niya sa Inggles.
“Hindi ko tatanggapin
ang kasunduang iyan,” dagdag niya nang malamang anim na buwang nagtrabaho nang
ganito si Rosario. “Kailangan ko ng magandang
paliwanag.”
Pindutin para sa detalye |
Ang dahilan niya ay may isang kaso kamakailan kung saan
isang turista ang naparusahan ng 55 araw na pagkakulong sa isang araw na pagtatrabaho
nang ilegal.
Nang parehong hindi makasagot ang taga-usig at ang tagapagtanggol ni Rosario, ipinagpaliban ni Cheang ang pagdinig sa Sept. 6 upang dinggin kung aamin siya sa paratang o hindi, at kung tunay na may sapat na paliwanag sa kasunduan ng dalawang panig.
Samantala, itinuloy ni Cheang ang bisa ng piyansang $1,000 ni Rosario at mga kondisyon nito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nakasuhan si Rosario ng “breach of condition of stay” matapos siyang mahuli ng mga Immigration officer noong May 24, 2022 na nag-aalaga sa anak ng kanyang amo sa bahay nito sa Discovery Bay kahit hindi pa aprubado ang kanyang papeles sa Immigration Department.
Nauna rito, tumanggi ang Immigration na aprubahan ang kontrata
ni Rosario at ang bago nitong amo na si Albert Yeung.
Bilang apela, sumulat ng liham si Yeung sa Immigration at
pinapirmahan kay Rosario. Nakasaad sa liham na nagsimula nang magtrabaho si
Rosario sa bahay ni Yeung.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Nang mabasa ito ng Immigration officer ay sinabihan ang asawa
ng amo, na sumama kay Rosario sa paglakad ng papeles niya, na huwag nang ipasok
ang liham dahil nagsaad ito ng pag-amin sa ilegal na gawain.
Pero nagpilit ito na ipasok ang liham, dahil hindi naman daw binabayaran si Rosario.
Lingid sa kanyang kaalaman, ipinagbabawal ng Immigration Ordinance
ang pagtatrabaho nang walang permiso ang Immigration, may suweldo man o wala.
BASAHIN ANG DETALYE |
Makalipas ang ilang linggo ay dumating ang mga Immigration
officer sa bahay ng amo upang siguruhin na nagtatrabaho nga nang ilegal si
Rosario.
Nagkataon namang umiyak ang anak ng amo, at binigyan ito ng
gatas ni Rosario kaya nahuli siya sa akto. Noon din ay dinala siya upang
imbestigahan.
PADALA NA! |