Si Jen Romulo Danting sa kanyang Facebook profile photo |
Hindi pa rin matapos-tapos ang mga balita tungkol sa mga Pilipinang nasa Hong Kong na nawawala, o bigla na lang hindi nagpapakita o nagpaparamdam sa mga amo, kaanak o kaibigan.
Sa ikaapat na pagkakataon sa nakaraang buwan ay ibinalita namang nawawal si Jolina Romulo Danting, na mas kilala sa palayaw niyang Jen. Isa siyang dalagan g 42 taong gulang at isang taon nang nagtatrabaho sa kasalukuyang amo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
“Stay out” si Jen at huling nakita sa bahay ng amo noong Linggo, July 30, kung kailan niya kinuha ang kanyang suweldo para sa nakaraang buwan.
Noong Lunes ay nag day-off si Jen, pero hindi na nag-report sa bahay ng kanyang amo kinabukasan.
|
Ayon sa kanyang kasamahan sa trabaho na si Ghie Torre ay wala silang alam na dahilan kung bakit bigla na lang hindi nagpakita si Jen sa kanila, kabilang ang kanilang among Indian na nakatira sa Kowloon.
Sa katunayan ay kahihingi lang daw nito ng “supporting letter” mula sa kanilang amo para ma-extend ang kanyang visa ng isa pang taon. Sa kanyang pagkakaalam ay wala din daw itong planong umuwi sa Pilipinas sa nalalapit na panahon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nang hindi pumasok sa trabaho si Jen ay agad na kinunsulta ng amo si Ghie tungkol sa dapat nitong gawin.
“Do you think we need to report it now or should we wait for a few more days?” tanong ng amo, na sinagot naman ni Ghie na dapat muna silang magpalipas ng 24 oras bago pumunta sa pulis.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kapag hindi na daw ito nagparamdam ay pwede na silang magpunta sa Konsulado para ipaalam ang pagkawala ni Jen, at pati sa Immigration para ipakansela ang visa nito dahil sa pag-iwan sa trabaho nang walang pasabi.
Nang tanungin si Ghie kung possible na lumipad na papuntang ibang bansa si Jen ay sinabi nito ang “Sana nga ay nagpunta na lang ito sa ibang lugatr.”
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ang mas kinakatakutan daw nila ay kung may masamang nangyari sa kanya.
Dagdag ni Ghie, may nobyo na Pakistani si Jen, pero hindi nila alam kontakin.
BASAHIN ANG DETALYE |
Sa tatlong Pilipina na nauna nang ibinalita na nawawala sa Hong Kong ay tanging isa lang ang sinabi na nakausap na ng pamilya, at nasira lang daw ang telepono nito kaya di na makontak. Gayunpaman, hindi pa rin daw nito matawagan sa dating numero, ayon sa kanyang pamangkin na nasa Hong Kong din.
Ang sino mang makakita kay Jen o nakaakaalam kung saan siya naroon ngayon ay maaring tawagan lang si Ghie sa telephone number 9243 9676.
PADALA NA! |