Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Hindi na kailangan ng patunay na bakunado ang mga pumapasok sa Pilipinas

17 August 2023

 

Bakunado man o hindi, dapat pa ring mag eTravel pass ang mga papasok o palabas ng Pilipinas

Lahat ng mga papasok sa Pilipinas mula sa ibang bansa ay hindi na kailangang magpakita ng patunay na bakunado sila kontra sa Covid-19, ayon sa pahayag ng Department of Health noong nakaraang linggo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

“Lahat ng mga darating mula sa ibang bansa ay tatanggapin bakunado man sila o hindi,” ayon sa DOH.

Sa pinakahuling patakaran bago ito, ang mga hindi bakunado o hindi nakapagpabakuna ng dalawang beses na edad 15 pataas ay kinakailangang magpakita ng negative na resulta para sa Covid-19 sa antigen test na isinagawa sa laboratoryo.

Pindutin para sa detalye

Sa kabila nito, hindi pa rin tinatanggal ang patakaran na magrehistro sa eTravel ang lahat ng mga papasok at lalabas ng Pilipinas, bagama’t madalas na hindi na ito hinihingi sa mga paliparan ng Pilipinas. Makukuha ang eTravel pass 72 oras bago ang takdang paglipad ng pasahero.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero ayon sa tauhan ng Cathay Pacific sa Pilipinas, mas maganda pa din na sumunod na lang sa patakaran dahil may mga pasahero pa rin na hindi pinapalusot ng mga taga Immigration kapag nalaman nilang walang eTravel ang mga ito, lalo ang mga paalis.

“Sa haba ng pila sa Immigration, may naiiwan ng kanilang eroplano dahil pinabalik ng taga Immigration sa dulo ng pila dahil walang eTravel pass,” sabi ng isang taga Cathay na nasa check-in counter.

Pindutin para sa detalye

Ang eTravel pass ay ipinalit sa arrival at departure cards na dati nang pinapakumpleto sa mga pasahero na parating, o paalis, ng Pilipinas.

Ginagamit ito ng Immigration para malaman ang bilang ng mga taong pumapasok at lumalabas ng bansa, at para din maitala ang mga detalye ng bawat pasahero na dumadaan sa kanila.

Paalala ng Konsulado tungkol sa bagong patakaran

Ayon pa din sa DOH, ang mga paalis ng Pilipinas ay dapat na alamin kung ano ang patakaran ng bansang kanilang pupuntahan pagdating sa bakuna kontra sa Covid-19 para hindi sila magkaproblema pagdating doon.

Kabilang dito ang mga paalis na overseas Filipino workers na ang destinasyon ay maaring nangangailangan pa ng patunay na bakuna, hindi lang laban sa Covid-19, kundi pati sa iba pang sakit.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang Hong Kong ay matagal nang hindi nanghihingi ng patunay ng bakuna o Covid-19 test, kaya ang mga paalis papunta dito ay wala nang kailangang dalhin na dokumento, bagamat katulad ng nasabi na, dapat pa ring kumuha ng eTravel pass para makasiguro.

Katulad ng Hong Kong, hindi na rin obligado ang mga tao sa Pilipinas na magsuot ng mask sa mga pampublikong lugar. Pero ang mga bata, may edad, may sakit o mahina ang pangontra sa mikrobyo ay pinapayuhan pa ring mag mask kapag nasa labas ng bahay.

BASAHIN ANG DETALYE

Ang pagbabago ng patakaran sa Pilipinas ay isinagawa matapos ideklara ng gobyerno noong July 22 na hindi na public health emergency ang Covid-19.

Bago ito ay ilang buwan na ding idineklara ito ng World Health Organization.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss