Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Higaan sa toilet at mala-nitsong tulugan, ibinandera ng ilang OFWs

16 August 2023

 

Kadikit ng makitid na tulugan na ito ang toilet bowl

Nagkanya-kanyang pakita ng nakakalungkot na tulugan ang ilang mga Pilipinang domestic worker sa Hong Kong kamakailan, matapos kumalat ang litrato ng isang mala-nitsong tulugan na binebenta ng isang kumpanya sa Mainland China sa halagang $10,000.

Umani ng pinakamaraming pag-aalala ang ipinakitang tulugan ng isang Pilipina na nakadikit sa inodoro, at sa sobrang kitid ay halos hindi magkasya ang isang taong nakahiga.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ayon sa nagpakita nito, sinubukan niyang magreklamo sa kanyang amo, pero ang sagot daw nito ay pasalamat siya dahil may libre siyang toilet. Kung hindi daw siya masaya doon ay maari na siyang magbitiw.

Hindi ito ang unang tulugan sa loob ng toilet na pinagamit sa isang foreign domestic worker sa Hong Kong.

Pinatulog si Grace sa sahig ng kasilyas

Noong March 2021 ay kinatigan ng Labour Tribunal si Grace Enicito, at pinagbayad ang dati niyang employer ng mahigit $27,000 matapos mapatunayan na pinatulog nila ang kanilang kasambahay sa sahig ng toilet, at pinakakain din doon.

Samantala, marami din ang nagsabi na hindi na bago ang pagpapatulog sa mga FDH sa mala-kahong kama, katulad ng binebenta sa China. Mas malala pa nga daw ang mga tulugan na binigay sa kanila ng kani-kanilang mga amo.

Tunay na mala-nitso ang tulugan na ito dahil ni walang butas ang pintuan

Ang isa sa mga tulugang ipinakita sa Facebook page ng DWC Help, isang grupong binuo ng ilang Pilipinong domestic worker para magpaabot ng tulong sa kapwa, ay mas malapit pa ang hitsura sa nitso dahil ni walang siwang ang tablang pinantatakip doon.

Hindi makakapasok sa loob kung hindi pahiga, at kailangang kumapit sa metal na hawakan para magpadausdos papasok.

Pindutin para sa detalye

Katulad ng kontrobersyal na tulugan ay sobrang kitid nito kaya mahihirapang tumagilid o mag-iba ng posisyon ang isang humihiga doon. Nakapatong din ito sa mga drawer, kaya kailangan ng hagdan para makapasok.

Nakadikit na sa kisame ang higaang ito, mabuti at hindi napilit ang worker na doon matulog

Ang isa naman, nakadikit na sa kisame ang mala-kahong higaan.Binutas lang ang mga gilid nito para makapaglabas-masok ang hangin.

Mabuti na lang at nang tumutol siya sa suhestiyon ng kanyang amo na subukan niyang umakyat doon ay hindi na siya pinilit.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

May ilan ding nagpakita ng mga tulugan na mala-cabinet ang hitsura, at nasa ibabaw ng mga refrigerator at oven sa kusina ng bahay ng kanilang mga amo.

Pero ang sabi nila, mas maigi na daw iyon kaysa patulugin sila sa sala o sa sahig sa kusina.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Pero ayon sa Mission for Migrant Workers, na isa sa mga pangunahing grupo na nangangalaga sa kapakanan ng mga FDWs sa Hong Kong, hindi dapat pinapayagan ang mga employer na bigyan ang kanilang mga kasambahay ng mga tulugan na nakakababa ng kanilang dignidad.

Ang pinagkaguluhang tulugan na binebenta ng $10k
Sa isang pahayag, sinabi ng Mission na ang tulugan na ginawa sa China at tinawag ng marami na mistulang nitso o kulungan ng aso ang hitsura, ay hindi “suitable accommodation.”

Sa ilalim kasi ng kontrata ng mga FDW, dapat ay bigyan sila ng angkop na pahingahan ng kanilang mga employer.

BASAHIN ANG DETALYE

Hindi dinetalye sa batas kung ano ang ibig sabihin nito, bukod sa pagsasabing dapat ay hindi kasamang matulog ng isang FDW sa iisang kuwarto ang isang teenager o adult na iba ang kasarian.

Dapat din silang may sapat na gamit sa pagtulog at ilaw, at malayang makakagagamit ng toilet at paliguan.

Naghahanda nang humiga ang Pilipinang ito

Dagdag ng Mission, tanggap nila na maliliit ang mga bahay sa Hong Kong, kaya hirap ang maraming pamilya na bigyan ng sapat na lugar para tulugan ang mga FDW. Kaya nga daw matagal na nilang ipinaglalaban na ibalik ng gobyerno ang karapatan ng mga FDW na tumira sa labas ng bahay ng kanilang mga amo para pare-pareho silang hindi mahirapan.

Sa isang banda, natuwa naman daw sila dahil marami ang nabahala nang makita ang litrato ng mala-nitsong higaan. Ang ibig daw nitong sabihin, marami pa ring tao sa Hong Kong ang nakikiisa sa paniwalang dapat na mabigyan ng disenteng pamumuhay ang mga FDW dito.

(Para sa mga FDW na may reklamo o problema tungkol sa binibigay sa kanilang tulugan, maaring kumunsulta sa Mission for Migrant Workers sa tel no 2522 8264 o 9529 2326, o magtungo sa kanilang opisina sa St John’s Cathedral sa 4-8 Garden Road, Central).

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss