Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Bagsak ang bilang ng email scams sa HK

02 August 2023

 

Wala pa sa 1/5 ng mga kaso ng phishing noong 2022 ang naitala sa taong kasalukuyan

May hatid na magandang balita ang Hong Kong police ngayong araw ng Miyerkules.

Ayon sa kanilang Cyber Security and Technology Crime Bureau (CSTCB) ay malaki ang ibinagsak ng bilang ng mga scam gamit ang email sa taong ito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Sa unang limang buwan ng taon ay bumagsak sa 71 ang mga kaso, at ang halagang natangay, sa $50 million. Sa kaparehang panahon noong nakaraang taon ay 391 ang bilang ng mga kasong naitala, at $750 million ang nawala sa mga biktima.

Ayon kay Senior Supt Raymond Lam, ang pinuno ng CSTCB, ang pagbagsak ng bilang ay dahil sa pinahusay na sistema ng pagkilala sa mga spam email, pinahigpit na pag log-in sa mga bank account at matagumpay na pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa “phishing” o panloloko gamit ang email

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Isa sa pinakamalaking scam sa email na naganap sa taong kasalukuyan ay ang paglipat ng pera ng mga opisyal ng isang kumpanya ng pagkain sa isang bank account dahil sa utos ng inakala nilang amo nila. 

Umabot na sa $7.8 million ang kanilang naililipat bago nila nalaman na hindi ang mga amo nila ang nag-utos sa paglilipat ng pera.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Paalala ng mga pulis, huwag pa ring magpakampante dahil laging nakakaisip ng bagong paraan ang mga sindikato para muling maka-scam ng mga tao.

Bilang bahagi ng kanilang  pagsasanay sa kanilang mga tauhan, nakipagkasundo ang CSTCB sa 186 kumpanya para magpadala ng mga phishing emails sa 10,326 nilang mga kawani. Sa bilang na ito, 1,645 katao ang nag click sa pain na link.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
BASAHIN ANG DETALYE

Sa 186 na kumpanyang sumali, may isa o higit pang empleyado ang nag click sa phishing email.

Ang pinakamadaming click na mga phishing emails ay yung mga imbitasyon sa video conferencing (7.3%), pagrehistro para sa AI chat box (5.6%) password verification (5.6%) at email account verification (3.9%)


Don't Miss