Loob ng piitan sa HK. (Photo: CSD) |
Isang Pilipinang nag-overstay nang halos limang taon bago naging asylum seeker, ang ikinulong ng 17 linggo matapos umamin nitong Martes sa Shatin Courts na lumabag siya sa kondisyon ng kanyang pamamalagi sa Hong Kong.
Hindi nabawasan ang parusa ni Arnelyn Vargas, 56 taong gulang,
kahit pinansin ni Acting Principal Magistrate Cheang Kei-hong na maliban sa
pag-amin ay sumuko rin siya sa Immigration Department.
Tumagal ang kaso ni Vargas nang anim na taon dahil, matapos
itong isampa laban sa kanya noong 2017, nag-apply siya ng non-refoulement sa Immigration
Department upang hindi siya pwersahang pauwiin.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Pindutin para sa detalye |
Ang kanyang dahilan: papatayin daw siya ng babae ng kanyang
asawa, dahil siya at ang kanyang mga anak ang tanging tagapagmana kapag namatay
ang lalaki.
Nang tanggihan siya ng Immigration dahil hindi sapat ang
kanyang dahilan sa paghingi ng proteksiyon, umapela siya sa Torture Claims
Appeal Board.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Sunod-sunod siyang nabigo sa kanyang apela, hanggang humantong sa Court of Appeal na siyang nagdesisyon na tanggihan ang kanyang hiling na judicial review at pumanig sa mga nakaraang desisyon sa kaso.
Dahil bigo ang kanyang hiling na proteksiyon, bumalik siya
Shatin Courts upang harapin ang orihinal niyang kaso na pag-overstay.
BASAHIN ANG DETALYE |
Dumating si Vargas bilang
domestic helper noong April 17, 2009. Na-terminate siya noong Dec. 23, 2009 at
nag-overstay matapos ang 14 na araw na palugit na ibinigay sa kanya upang umuwi.
Sumuko siya sa Immigration noong Oct. 23, 2014 at nag apply ng non-refoulement noong Nov. 20, 2014.
PADALA NA! |