Tuloy ang kaso sa Shatin court sa Oct 9 |
Muling pinagpaliban ang mahigit limang taon nang kaso ng isang Pilipinang inakusahan ng dalawang beses na pag-overstay, nang magbago ang isip niya kung aamin o hindi sa pagdinig na isinagawa kanina sa Shatin Courts.
Nakatakda sanang magsalita sa korte kanina si Marina de Guzman, 49 taong
gulang, tungkol sa mga paratang at maipaliwanag kung bakit dalawang beses siyang na-overstay, pero biglang nagbago ang ihip ng hangin.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Bago matanong si de Guzman, tumayo ang abogado niya upang
humingi ng anim na linggong pagpapaliban sa kaso at nag-alok ng $4,000 bilang piyansa.
Nang tanungin ni Acting Principal Magistrate Kei-hong Cheang kung bakit, sumagot ang abogado na ito ang utos ni de Guzman, dahil
plano niyang humiling sa High Court ng judicial review ng kanyang kaso bilang asylum
seeker.
Pindutin para sa detalye |
Kahit tumutol ang taga-usig, na nagsabing mahigit limang
taong nang natutulog ang kaso, itinakda ni Cheang ang susunod na pagdinig sa Oct.
9.
Pero hindi niya tinanggap ang alok na piyansa ni de Guzman dahil wala namang
nagbago sa sitwasyon sa kaso, kaya inutos niyang ibalik ito sa kulungan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang unang kaso ni de Guzman, na dumating sa Hong Kong bilang
domestic helper, ay nagmula sa kanyang paglagi
nang lampas sa Jan. 13, 2014 (o dalawang linggo matapos siyang i-terminate) na
palugit na ibinigay sa kanya ng immigration.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Nahuli siya noong Feb. 11, 2016, o mahigit dalawang
taon pagkatapos ng itinakda ng batas na taning para siya umuwi sa Pilipinas.
Ang ikalawang kaso ng overstay ay tungkol sa pananatili ni
de Guzman mula Dec. 30, 2017 hanggang July 2, 2023.
BASAHIN ANG DETALYE |
Pero ayon sa pangalawang kaso sa kanya, ang basehan ng kanyang pag overstay muli ay Jan. 13, 2014 – o ang petsang itinala din sa unang sakdal.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |