Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Abangan ang 'Super Blue Moon' sa HK bukas ng gabi

30 August 2023

 

Mas pula, imbes asul, ang kulay ng malaking buwan na makikita simula bukas ng 7pm

Bukas, Huwebes, bandang 7pm dito sa Hong Kong, ay may kakaibang tanawin na masisilayan sa langit, at ito ang Super Blue Moon na kasabay ang isang total lunar eclipse.

Ano ang ibig sabihin nito? Una, ang supermoon ay ang pagkakaroon ng full moon sa eksaktong araw na pinakamalapit ang buwan sa Earth o mundo, dahilan para makita ito nang higit na malaki at maliwanag sa normal.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Ang blue moon naman ay hindi nangangahulugan na nagkukulay asul ang buwan, kundi ito ay tawag sa pagkakaroon ng pangalawang full moon sa iisang buwan, na mangyayari simula bukas at tatagal hanggang sa Biyernes ng umaga. 

Ang unang full moon sa Agosto ay noong August 2.

Nangyayari lang ito nang minsan sa tuwing ikalawa at kalahating taon, kaya nagkaroon ng katagang “once in a blue moon” na ang ibig sabihin ay kaganapan na bihirang mangyari.
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa katunayan, mas malamang na mapula ang buwan na makikita bukas ng gabi dahil magkakaroon din ng total lunar eclipse – isang kakaibang pangyayari kung kailan ang mundo, araw at buwan ay nasa iisang linya, dahilan para matakpan ng mundo ang liwanag na nagmumula sa araw kaya ang buwan ay nagiging mapula ang hitsura.

Samakatuwid, ang makikita bukas ng gabi ay isang napakaki, napakaliwanag at mapula-pulang buwan.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Bagamat ang super blue moon ay mag-uumpisang maganap ng 9:36am bukas, mag-uumpisa lang itong makita sa Hong Kong ng 7:07pm, pagkatapos lumitaw ang buwan sa bandang silangan.

Ayon sa Royal Observatory ng United Kingdom, ang ganitong tagpo kung kailan makikita nang sabay-sabay ang Super Blue Moon at Total Lunar Eclipse ay unang magaganap bukas, pagkatapos ng 152 taon.

Sabi naman ng HK Observatory, hindi na muli makakakita ang Blue Moon sa mundo hanggang sa May 31, 2026.

BASAHIN ANG DETALYE


Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
Dagdag pa nito, ang super blue moon eclipse ay makikita sa buong Hong Kong, lalo na sa bandang silangan, simula 6:49 ng gabi bukas, hanggang 12:09 ng umaga ng Biyernes.

May mga telescope na itatayo bukas sa Central at Western District Promenade, Kowloon Park Piazza at Shatin Park Main Plaza para makita ng publiko ang kakaibang tanawin na ito nang libre ngayong gabi.

Sakaling hindi makalabas ay maari itong panoorin ng live sa website ng Hong Kong Observatory.


https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS


 

Don't Miss