Nanatiling buhay ang kaso sa Shatin |
Limang taon matapos siyang sampahan ng kasong overstaying, humarap kanina si Leticia Agpad, 68 taong gulang, sa Shatin Courts upang aminin ang kasalanan.
Pero hindi siya binigyan ni Acting Principal Magistrate
Cheang Kei-hong ng nakagawiang 1/3 discount sa parusa na ibinibigay sa mga
umaaming nagkasala.
Sa halip ay ibinawas lang sa sentensiya niyang siyam na
buwang pagkabilanggo ang naunang 28 na araw na pagkakulong sa kanya. Dahil
binuo sa isang buwan ang ibinawas, ang natirang pagdurusahan niya sa kulungan
ay walong buwan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ang kasong paglabag sa kundisyon ng pamamalagi sa Hong Kong
laban kay Agpad ay isinampa noon pang 2018.
Bumalik siya sa Shatin kanina matapos mabigo sa kanyang
paghingi ng asylum, na umabot sa Court of Final Appeal hanggang ito ay tinuldukan
ng isang desisyon noong Feb. 10, 2022.
PINDUTIN PARA SA DETALY |
Sinabi ng kataastasang korte na walang batayan ang apela ni Agpad laban sa desisyon ng gobyerno na tanggihan ang kanyang hiling na non-refoulement, o ang pagbabawal sa pwersahang pagpapaalis sa kanya sa Hong Kong.
Nang mahuli siya ng pulis noong Feb. 26, 2015, nag-overstay
na siya nang 15 na taon dahil ang visa niya ay nag-expire noong April 27, 2000,
matapos siyang ma-terminate bilang domestic helper noong Feb. 18, 2000.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nag-apply siya ng asylum, at sinabi niya sa Immigration
Department na papatayin siya ng New People’s Army kapag umuwi sa Pilipinas. Ito
ay dahil tumiwalag siya sa NPA noong 1981, isang taon matapos siyang sumali.
Nang tanggihan siya ng Immigration, umapela naman siya sa
Torture Claims Appeal Board hanggang umabot siya sa High Court, na kumatig sa
mga naunang desisyon.
BASAHIN ANG DETALYE |
Samantala, nanatiling buhay ang kaso niya sa Shatin.
Dahil binigyan na ng tuldok ng CFA ang kanyang kampanya para siya payagang manatili sa Hong Kong ay wala nang balakid para sa pagpapauwi sa kanya pagkatapos niyang pagsilbihan ang kanyang sentensya.
PADALA NA! |