Kinasuhan ang 2 Pilipina base sa reklamo ng Immigration. |
Ang pagsisinungaling sa isang Immigration officer ay isang seryosong paglabag sa batas, at ito ay binigyang diin kanina sa Shatin Courts nang ipakulong ng apat na buwan ang isang Pilipina.
Umamin si Vivian Solis, 35 taong gulang, sa paratang ng
Immigration Department na nagsinugaling siya habang kumukuha ng extension of
stay noong Jan. 10, 2023 nang sabihin niya sa isang Immigration officer na magtatrabaho
siya bilang domestic helper ng isang Iris Chavez.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Dahil dito, hinatulan siya ni acting Principal Magistrate
Cheang Kei-hong ng anim na buwang sentensya, pero binawasan ng 1/3 bilang discount
dahil sa kanyang pag-amin.
Ayon sa Section 42 (4) ng Immigration Ordinance, ang parusa
para sa ganitong paglabag ay pagkabilanggo nang hanggang dalawang taon at multang
aabot sa $100,000.
Pindutin para sa detalye |
Inurong ang ikalawa niyang kaso -- ang pagsumite ng pekeng
dokumento noon ding Jan. 10, 2022 bilang patunay sa kanyang paghingi ng extension
of stay – dahil hindi na naghain ng ebidensiya ang taga-usig laban sa kanya.
Ayon sa paratang, ang dokumentong ito ay isang sulat mula sa
umano’y employer ni Solis, na humihiling na bigyan siya ng pagpapalawig ng
visa, at nagsasabing nagtatrabaho siya dito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa reklamo ng Immigration, hindi totoo ang sulat.
Samantala, ang pagdinig ng isa pang Pilipinang sinampahan ng katulad na kaso sa Shatin Courts ang ipinagpaliban ni Magistrate Cheang sa Sept. 12 upang kunin ang kanyang sagot sa paratang.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Si Beatrice Casanova, 38 taong gulang, ay inakusahang nagsinungaling
sa isang Immigration officer nang dalawang beses.
Ang una ay nangyari pagdating siya sa Hong Kong noong April 17, 2019, at sinabi niya sa Immigration assistant na nag-eksamen ng kanyang pasaporte at visa, na magtatratabaho siya sa isang amo na pinangalanang Eric Jungers. Lumabas na hindi ito totoo.
BASAHIN ANG DETALYE |
Ang pagsisinungaling ay naulit nang mag-apply siya ng
extension of stay noong July 18, 2019 nang sinabi niya na magpapatuloy siya sa
pagtatrabaho sa naturang amo.
Nitong July 25 lang ay lumutang ang pagbebenta ng mga pekeng kontrata sa mga FDH na katatapos lang ng kontrata o na-terminate, para makapanatili sila sa Hong Kong at pumasok sa ibang trabaho katulad ng sa restaurant. Ibinebenta ng mula $20,000 hanggang $40,000 ang mga pekeng kontrata.
May 50 katao ang inaresto sa panlolokong ito, kabilang ang mga domestic helpers, employers at iba pang sangkot.
PADALA NA! |