Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

2 Pinay, nahulicam sa World-Wide sa aktong pagnanakaw

12 August 2023

 

Kitang-kita na dinudukutan ng naka blue mask ang biktima habang tinatabingan ng kasabwat

Kitang-kita sa video camera ng isang tindahan ng mga damit sa World-Wide Plaza sa Central ang dalawang Pilipina na nagsabwatan para madukot ang pitaka ng isang kapwa Pilipina na kostumer.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ayon sa nag post ng video na si Liz Gocotamo Lee, nangyari ang pagdukot sa kanyang pitaka sa Suki shop na nasa ikatlong palapag ng World-Wide kahapon, Biyernes.

Pindutin para sa detalye

Sabi ni Lee sa kanyang post na may oras na 3:41 pm,  “I’m here na in police station Wanchai. Humanda ka na, hinahanap ka na ng police ngayon. Sa mga kababayan, isa po ako sa mga nabiktima, nadukutan ng wallet kanina lang sa may 3/floor suki shop.”

Kaagad na umani ng 213,000 views ang kanyang post, at halos 3,000 shares. Heto ang video: https://www.facebook.com/100000084292709/videos/255251693989236

Pindutin para sa detalye

Sa isang maikling pahayag kanina, sinabi ni Lee na nakita na ang kanyang pitaka, pero wala nang lamang pera.

“Hi po. This morning someone called me, they found na po my wallet yesterday,  siguro natakot yung mga nandukot pero yung kinuha lang po yung cash,” sabi ni Lee.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Hindi na niya dinetalye kung magkano ang pera sa pitaka, at kung ano-ano pa ang laman nito.

Sa video na inilagay niya sa kanyang Facebook account ay makikita si Lee na pumasok sa parte ng tindahan kung saan nakatutok ang CCTV, at may nakasunod na isang Pilipina din na may hawak-hawak na pantalon na naka hanger.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kitang-kita ang pagtitig ng Pilipina, na naka itim na t-shirt at pantalon at nakabalal, sa bag ni Lee na walang zipper, habang abala siya sa pagpili ng mga damit. Mula 10 hanggang 15 segundo ng video ay hindi inalis ng babae ang pagtitig sa bag ni Lee.

Bandang 16 na segundo ay may pumasok namang isa pang Pilipina naka blue na pantalon at puting pantaas, at nagpalitan sila ng tingin ng naunang babae, na mukhang senyas para ipahiwatig sa kanya na nandoon na ang kanilang target.

Close-up ng 2 magkasabwat habang dinudukutan ang biktima

Sa loob ng sumunod na 5 segundo ay inipit na ng dalawang magnanakaw ang biktima, na walang kamalay-malay sa kanilang balak. Pagpatak ng 21 segundo sa video ay inumpisahan nang dukutin ng pangalawang suspek ang pitaka ng biktima habang ang kanyang kasabwat ay pinantakip ang mga hawak-hawak na pantalon sa isinasagawang pandurukot.

Tumagal lang ng 5 segundo ang pagkuha sa pitaka, dahil sa ika-27 segundo ay lumayo na ang nandukot, samantalang mabilisang binalik nung kasabwat ang mga hawak-hawak na pantalon sa sabitan, bago tumigil sumandali sa tabi ng nauna at mukhang kinuha ang pitaka bago lumabas ng tindahan.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Eksaktong ika-35 segundo ng video nang lumabas ang kasabwat, na sinundan ng nandukot pagkatapos ng 5 segundo.

Kahit mukhang kumalma na ang biktima dahil maibabalik na sa kanya ang kanyang pitaka at iba pang mahahalagang bagay na nakapaloob doon ay marami sa mga nag komento sa kanyang video ang nagsabi na dapat pa ring mahuli ang mga mandurukot.

BASAHIN ANG DETALYE

“Ipakulong mo, tapos kung pwede ipa-blacklist para di na pamarisan,” sabi ng isa.

Dagdag ng isa pa, “Dapat yan tuluyan... kahit na kababayan pa yan... nakakahiya sila, di maghanapbuhay ng patas…Mukhang mga sanay…para dina maulit at kawawa ang mabiktima pa ng mga yan. Tuloy ang kaso…kulong yan dapat kapag nahuli.”

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Sa patuloy na pagkalat ng video, may kaparusahan na ring napataw sa dalawang kawatan. Kung mga domestic worker sila, may posibilidad pa na matanggal sila sa trabaho at mapauwi, matapos makasuhan at maparusahan.


Don't Miss