Itinakda ang sentensya sa Aug. 22 sa Kwun Tong Courts |
Dalawang Pilipinang domestic helper ang umamin kanina sa kasong money laundering, sa pamamagitan ng pagpapagamit nila ng kanilang automatic teller machine o ATM card upang tumanggap ng perang galing sa krimen, at i-withdraw ito agad.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ibinalik din ni Magistrate Tang ang dalawa sa kulungan.
Kinasuhan ang dalawa ng paglabag sa Section 25 (1) at (3) ng
Organized and Serious Crime Ordinance.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa Ordinance na ito, ang parusa
sa ganitong paglabag ay multang aabot sa $500,000 at pagkakakulong nang
hanggang tatlong taon.
Inamin ni Patricio na pinayagan niyang dumaan sa kanyang
Hang Seng Bank account ang kabuuang $281,435, na alam nyang galing sa krimen,
mula July 3, 2019 hanggang July 26, 2019.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Nakipagtulungan umano siya sa isang “Perez” sa pagpapatakbo sa
naturang bank account.
Si Cuhit naman ay umamin sa pagpadaan ng $240,208.50 na mula sa krimen sa kanyang Hang Seng Bank account sa pagitan ng May 28 at June
28, 2019.
BASAHIN ANG DETALYE |
Tinulungan din siya ng isang Perez sa pagpapatakbo ng ATM
account.
PADALA NA! |