Isa sa mga gusali sa Laguna Verde |
Isang Pilipinang domestic helper ang nasentensiyahan kanina sa Shatin Courts ng dalawang buwang pagkabilanggo matapos siyang umamin na nagtrabaho siya sa tatlo pang bahay maliban sa tirahan ng kanyang tunay na employer.
Tig-dalawang buwang kulong sana ang parusa kay M. Concepcion,
41 taong gulang, sa bawa’t kaso ng ilegal na pagtatrabaho pero inutos ni Acting
Principal Magistrate Cheang Kei-hong na sabay sabay niya silang pagsilbihan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
PINDUTIN PARA SA DETALY |
Ang kanyang tatlong kaso ay pawang “breach of condition of
stay”, na tinutukoy sa Section 41 ng
Immigration Ordinance at nagtatakda ng parusa sa mga lumalabag dito.
Isa sa mga kondisyon ng visa na ibinibigay sa lahat ng domestic
helper ay ang pagbabawal sa pagtatrabaho na labas sa bahay ng kanilang amo.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
BASAHIN ANG DETALYE |
Ang unang kaso ni Concepcion ay ang pagtatrabaho ng part-time
sa Flat C ng 11th floor sa isang tower sa Parc Palais sa Wylie Road, Kowloon.
Ang ikalawang kaso ay ang pagtatrabaho nang ilegal sa Flat B
sa 22nd floor ng isang tower sa Laguna Verde sa Hung Hom.
Ang ikatlo ay ang pagtatrabaho nang ilegal sa Flat D sa 22nd
floor ng isa pang tower sa Laguna Verde sa Hung Hom.
PADALA NA! |