Init (kulay pula) na pinanggagalingan ng lakas ng bagyong Talim (Photo: HK Observatory) |
Gaya ng inaasahan, nagparamdam ngayong araw sa Hong Kong ang tropical cyclone Talim. Mula sa umagang tirik ang araw, ang panahon ay naging maulap na may pag-ulan bandang tanghali at naging mahangin nang kumalat na ang dilim.
Ang panahon ay inaasahang sasama pa habang lumalakas ang bagyo,
na ngayon ay nasa direksyong magdadala dito sa loob ng 300 kilometro mula sa Hong
Kong, habang umuusad patungo sa pagitan ng Hainan island at Leizhou Peninsula sa kanluran.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Isang babae na naliligo sa South Bay Beach ang naitalang biktima
ng bagyo kaninang 4.36pm, matapos itong mabagsakan ng puno na itinumba ng
malakas na hangin habang nakataas ang Signal No. 3.
Ligtas naman ang babaeng 43 taong gulang, na dinala sa Queen Mary Hospital, ayon sa Leisure and Cultural Services Department (LCSD) na namamahala sa lugar.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa Hong Kong Observatory, mararamdaman ang mas malakas na hangin
at ulan sa mga baybayin at matataas na lugar kaya maaaring magtaas ng Signal
No. 8 bago mag-umaga bukas.
Hindi ito matutuloy kung ang direksyon ng hangin ay mag-iiba at lalakas ang ulan, na ang ibig sabihin ay papalayo na ang bagyo ayon sa Observcatory.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Habang papalapit ang
bagyo ay manggagaling sa east-northeast ang hangin.
Kapag palayo na ito ay manggagaling na sa east southeast ang
hangin. Sa puntong ito rin mararanasan ang mas malakas na
ulan, na dala ng southwest monsoon na hinihila ng bagyo mula sa timog.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Nagbabala rin ang Observatory sa posibleng pagbaha sa mga mababang lugar dahil sa epekto ng malalakas na alon na dala ng bagyo at ng normal na high tide.
Pinayuhan din ng Observatory ang mga tao na umiwas sa mga baybayin dahil sa malalaking alon at ipagpaliban ang mga water sports na gaya ng surfboarding at iba pa.
BASAHIN DITO |
Ang pagsungit ng panahon -- malakas na bugso ng hangin at ulan-- ay magpapatuloy sa umaga ng Martes, pero paunti-unting gaganda sa susunod na mga araw hanggang bumalik ang tirik na araw sa Linggo
PADALA NA! |
CALL US! |