Inaasahang mananatili ang T3 hanggang mamayang gabi (RTHK File photo) |
Ibinaba na saT3 ang hudyat ng bagyo ngayong 4:20pm dahil sa patuloy na paglayo ni Talim sa Hong Kong, at inaasahan itong mananatili hanggang ngayong gabi.
Bale nanatiling nakataas ang T8 sa SAR sa loob ng 15 oras bago nito. Dahil dito ay kanselado ang lahat ng mga klase at sarado ang mga opisina sa buong maghapon, bagamat maraming mga restaurant at tindahan ang nagbukas.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Nitong 4pm ay namataan ang bagyongTalim bandang
290 kilometro ang layo sa Hong Kong, at tinatahak ang direksyon papunta sa
Leizhou Peninsula sa bilis na 18 kilometro bawat oras.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa pahayag ng gobyerno, nakatanggap ito ng 32 tawag tungkol sa mga tumumbang puno, at mga pagbaha.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sabi naman ng Hospital Authority, walo katao na
nasaktan dahil sa bagyo ang nagpagamot sa mga pampublikong ospital.
Nag-umpisa na
nang paghahanda ang mga bus at MTR para maging normal na muli ang
kanilang mga biyahe pagkatapos na ibaba ang T8.\
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Nagpaalala naman ang Observatory sa publiko na
manatiling alerto at iwasan ang magpunta sa tabing-dagat dahil nanatiling
maalon at malakas ang hangin sa mga lugar na ito.
Nananatili din daw na malakas ang hangin sa
mga matataas na lugar, kaya hindi dapat magpakampante.
BASAHIN DITO |
Ang bagyo ay dumaan sa loob ng 300 kilometro
mula sa pampang ng Hong Kong, pagkatapos manalasa sa Pilipinas.
Ang pangalang Talim o talas ay galing sa
Pilipinas, na kabilang sa grupo ng mga bansa sa Asya na inaanyayahan ng United
Nations Economic Commission/ World Meteorological Organization at Typhoon Committee
ng World Meteorological Organization, na magbigay ng pangalan sa bagyo.
PADALA NA! |
CALL US! |